Chapter 9 - Sorority

114 4 0
                                    

Lavender's POV:

"Nasaan na naman kaya iyon?" naiinis na muling tinitigan niya ang relo. Ilang araw na palaging late kung umuwi si Lilac. Ngayon nga ay usapan nila na aalis at maghahanap ng regalo dahil malapit na ang birthday ng abuela at dahil dalawa lang ang subject niya ngayon ay maaga siyang makakauwi. She is more than an hour late! At dahil sa madalas nitong pagkahuli ay sinabi niya sa abuela na siya na ang magdadala ng sasakyan. Pumayag naman ito. Sinabihan lang siya na mag ingat sa pagmamaneho. She even shows grams her professional license. Kanina niya pa ito tinatawagan pero hindi sinasagot ang tawag.

"Lavender!"

Lumingon siya. Si River.

"O?"

"May hinihintay ka?" his eyes look at her then at her car. Napasipol ito. "Rich!"

Natawa siya. "Ang OA. Parang ako lang ang may sasakyan dito." aniya nang sipatin nito ang black X5 McLaren niya.

Umiling ito. "Humble. Iilan lang ang me afford ng sasakyan mo, oy. Teka. Sino ba hinihintay mo?"

"Sino pa? Eh ung kakambal ko. Ang tagal nga. More than an hour na ako dito." muli niyang tinitigan ang relo. Four thirty pm na.

"Gusto mo ba samahan kita maghintay?"

Umiling siya. "Okay lang ako." ngumiti siya dito.

River shrugged. His phone rings at si Sienna ang nasa kabilang linya at nagpapasundo dito. He looks at her.

Tumawa siya. "Ano ka ba. Okay lang ako." Itinulak na niya ito.

"Sure?"

Tumango siya.

"Okay. Maiwan na kita. Kung kailangan mo ng kasama, you know my number." River then winks at her.

"Oo na. Nagpa cute ka na naman."

He laughs then wave goodbye.

Sumandal siya sa hood ng kotse. Ang tagal talaga ni Lilac. She dialed her number again. It just keeps on ringing until she hears the voice prompt. Pinatay niya muli ang telepono. May dumaan na classmate nito. Lumapit siya.

"Excuse me Miss. Classmate mo si Lilac di ba?"

Halatang nagulat ang babae. "Yes. Bakit?"

"Err, kasi kanina ko pa siya hinihintay. May activity pa ba kayo?"

"Ahh. Wala na. Pero baka nandoon siya sa Burgundy room. May biglaang meeting ang mga officer doon. Ang alam ko kasama siya sa mga officer eh."

"Ahh. Ganun ba? Thank you." She pressed the power lock on her car at dumiretso na sa Burgundy Room. Ewan ba niya sa abuelo at puro mga kulay ang ipinangalan sa mga rooms sa university na ito.
Dumiretso siya sa room na sinabi ng babae kanina. She knocks then open the door. Mukhang may meeting nga. May mga estudyante na nag uusap. Pero bakit puro babae ang naroon? Their eyes are all on her. "Excuse me, is Miss Lilac Robinson here?"

"Aray! Ayoko na! Tama na!"

She frowned. That is Lilac's voice! Dumiretso siya sa isa sa mga nakasaradong pinto.

"Miss! Bawal diyan!" Hinarangan siya ng isang babae.

Tinitigan niya ito ng masama kaya napaatras ito. She opened the door at isang babae na nasa pinto ang nagulat. "Hey! Bawal dito!"

"Wala akong pakialam! Nasaan ang kapatid ko?!" She looks at the room na may dimly light lang ang naroon. She saw a woman with a paddle on her hand. Si Lilac ay nasa harapan nito at nakalugmok na sa sahig.

Itinulak niya ang babae na nasa pinto at lumapit sa kapatid.

"Tangina! Hoy, sino ka ba?! Bakit bigla ka na lang pumapasok dito?!" sigaw ng isa.

Fuck. Sorority. May ilan pang mga nakapiring at may dalawa na tila opisyales doon. Hinarap niya ang babaeng may hawak ng paddle.

"Tingnan mo nga naman. Carlotta Celeste."

Umismid ito nang iniangat niya ang kapatid. "Bakit ka narito, Robinson? Ang kapatid mo ang may gusto na sumali sa amin. Hindi siya pinilit." taas noong sabi nito sa kanya.

"Ows, talaga. I can easily investigate that. At nasa labas pa lang ako ay naririnig ko nang umaayaw ang kapatid ko. She said enough, right? Gusto ninyo bang kasuhan ko kayong lahat ng narito? Yes, sorority is allowed. Pero siguro naman ay alam mo ang mga limitations, hindi ba?" she gritted her teeth. Alerto siya sa maaring gawin ng mga ito.

Ang pagsimangot ni Carlotta ay isang indikasyon na tama siya. "Ate..." Lilac whispers.

"Sshhh. Tahan na. Andito na ako. Uuwi na tayo."

Humarang sa daan nila si Carlotta. "Mayroong dapat na sumalo sa kanya. She is supposed to get twelve paddles. She only had five." Carlotta smiled wickedly.

Tumawa siya. "Ah talaga? Eh baka gusto mong ipatapon ko kayong lahat ng miyembro ng sorority mo palabas ng university?" Alam niya ang mommy niya ang founder ng sorority rito. At iba ang patakaran ng mommy niya sa mga nangyayari ngayon. "Tell me, nasaan ang mga higher officials ninyo na puwede kong makausap? Do you even know kung sino ang founder ng ipinagmamalaki ninyong sorority?"

"What's going on in here?" sumungaw ang isang may edad na babae. Must be her mom's age. Lumingon siya. It is her mom's friend, Raven. At ninang ni Lilac. She smiled.

"Tita Raven." she acknowledged the lady.

Napasinghap ito nang makilala siya. "Lavender! What are you doing here, hija?"

Bakas ang gulat at takot sa mga kasama ni Carlotta.

"Tita, do you even know what they are doing with my sister, here?"

Nagulat man ang may edad na babae ay tumingin ito sa kapatid na hawak niya. Iilan pa lamang ang nakakaalam sa mga kakilala nila ang tungkol sa kapatid. Her gaze went down to her sister's leg. Halos nagkukulay ube na iyon dahil sa palo. Raven gritted her teeth.

"Bullshit! Sino ang gumawa nito?!" halos maglabasan ang ugat ni Raven.

Katahimikan ang namayani sa loob ng kuwarto. "Walang aamin sa inyo???"

"Lavender, sino ang naabutan mo dito? Hija," tawag nito sa kapatid niya na patuloy sa pag iyak.

"Her name's Lilac." pakilala niya sa kapatid.

Tinitigan siya ng masama ni Carlotta. As if she will get scared with her.

"Lilac, hija, sino ang gumawa sa iyo nito?!" mas lalong nadagdagan ang galit nito realizing that her goddaughter is alive.

Umangat ang tingin ng kapatid at tinitigan ang nasa paligid niya. Then her eyes landed on Carlotta at sa mga kasama nito.

The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon