chapter 19 - Witness

168 10 0
                                    

Lavender:

"Hello, Dad?"

"Where are you, Lavender?"

Napakunot ang noo niya sa tila kinakabahang boses ng ama. "School. What happened, daddy?"

Nagbuntong hininga ang ama sa kabilang linya. "Nasa.. Nasa ospital ako ngayon anak. Nandito ang lola mo."

"What? Ano'ng nangyari kay Grams? How is she?"

"Pinapaimbestigahan ko na. Bumangga ang lola mo sa isang puno. But I have a hunch na sinadya ito. Hinihintay ko pa ang mga reports ng mga tao ko. She's sleeping now. May mga sugat siya but she's no longer in danger. For now. Ayon sa ilang mga nakasaksi ay may isang itim na van ang kasunod ng lola mo kanina."

"Did you call mom? Or Lilac?" She went out of their room at nilinga ang bodyguard niya. Mabuti na lamang at wala ang prof nila ngayon. Tila naalerto naman ang bodyguard na si Louie nang mapansin na lumilinga siya sa paligid. Damn! This is getting out of hand. Nagsimula na siyang lumakad patungo sa building nila Lilac.

"No. Alam ko naman na magpapanic sila kaya ikaw ang tinawagan ko. Don't tell everything to your sister."

"Pero, dad, I think na mas dapat na nating sabihin na sa kanila. This is getting serious, daddy. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko and for mom, I know she can, too. Pero hindi si Lilac. Which hospital, daddy?" Nagmamadali ang mga hakbang niya. Sa sulok ng mga mata ay nakita niyang nagpalinga linga din ang dalawang bodyguard na si Carl at Louie.

"Okay. Dumiretso na kayo dito sa hospital. Nasa St. Mary ako. Tatawagan ko lang ang mommy ninyo."

"Yes daddy."

"Mag-iingat kayo, anak."

Pinindot niya ang end call button sa telepono at nagmamadali ang mga hakbang patungong North building. Nagtungo naman siya sa room ni Lilac. Nagulat naman ang kapatid nang sumungaw siya sa room nito. Wala rin ang prof nito. Bigla itong lumapit sa kanya. She looked at her watch. It's almost four thirty. Pwede na silang umalis.

"Ate, what happened?"

Nabasa marahil nito ang pagkabalisa niya. "Let's go. Sa daan ko na sasabihin."

Tumango naman ang kapatid at hindi na nagtanong pa. "I'll just get my things, ate." Tumalikod na ito at kinuha ang bag at ang easel. Sinenyasan niya ang dalawang bodyguard na sumunod. Alam niyang nasa paligid lang si Joshua, ang pangatlong bodyguard nila.

Nang makapasok na sa sasakyan ay nagtanong na si Lilac. "Ano'ng problema, ate?"

"Nasa ospital si Grams. Ang hinala ni daddy ay may nagtangka sa buhay niya."

"What? Paano? I mean, bakit?"

She can sense panic in her voice. "Calm down, Lilac. I'm telling you this so you can be prepared as well. Hindi sapat na may mga bodyguards tayo kung ang pakay nila ay ang patayin si Grams."

Napaungol ang kapatid niya.

She knew this is too much in one blow but there's no time anymore. "May sabwatan na nagaganap sa kompanya at malakas ang kutob ko na may kinalaman ang tita Olive dito. I'm thinking that they wanted to kill Grams para tuluyan na nilang makuha ang kompanya pati ang mga ari-arian niya. And they just started. May kasunod daw na sasakyan si Grams bago ito bumangga. They wanted her dead. At hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Meanwhile, I want you to be calm and work your ass out on self defense."

"Ate.." tila naiiyak na sabi nito.

"No! Stop it, Lilac. Kailangan tayong magtulungan. Kung hindi ay marami ang masasaktan. And I can't promise that I can protect you all, that I will be there all the time. Kung hihingin ng pagkakataon, gusto kong matuto kang lumaban. Enough for you to survive." mariing sabi niya dito. She didn't want to go soft on her. Para na rin dito kaya niya sinasabi ang lahat ng ito.

Tumahimik lang ang kapatid at hindi na nagsalita. "You know I love you, right?" Tinitigan niya ito sa rearview mirror.

Tumango ito.

"And you should know that I will do anything I can to protect you. But just as I said, I can't promise I'll be there all the time. That's why we have to do this. That's why you have to do this," paliwanag niya.

"I'm sorry, ate.. I know I am being a burden.." Yumuko ito.

"Nonsense! That's not true. Pinag usapan na natin ito, di ba?"

Tumango lang si Lilac.

"We're going to the hospital. Starting tomorrow, I need you to do everything that I say. And I really need you to start being brave." Nilingon niya ito for emphasis.

"Baka hindi ko kaya, ate.."

"Believe you can, sis. Andito lang si ate. Susuportahan kita hanggat kaya ko."

Lilac smiled sa tinuran niya. "Anong sabi ni mommy? Ni daddy? Alam din ba nila ito?"

"Only Grams, daddy and me. Hindi namin gustong mag-alala kayo. But this is getting serious I told dad it's time you and mom knows about what is happening."

"Baka mapahamak tayo, ate. Natatakot ako.."

"Hush.. Kaya nga dapat na mas maging handa tayo sa mga mangyayari." Nag ring ang telepono niya at hinugot niya iyon sa pantalong suot. Ang bodyguard ng abuela na si Melvin ang nasa kabilang linya.

"Hello, Melvin.."

"Ma'am Lavender, may nakuha akong ilang impormasyon tungkol sa kotseng sinasabi nilang kasunod ni Madam.."

"Were you able to get the plate number?"

"Yes. May testigo na akong hawak at kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga kasamahan ko. We're running the database now. At may nakakita na babae ang sakay ng van. May nunal daw sa may gilid ng labi."

Napakunot ang noo niya. Nunal? Walang nunal si Isabel Cardenas. Sino kaya ang babaeng iyon? "O sige. Kung anumang progress ay tawagan mo ako. O kaya si daddy."

"Areglado boss. Saka boss, bukod pala dun sa babaeng may nunal ay may kasama daw itong lalaking may bigote."

That must be Pancho. Ngunit iba ang kutob niya. Tila ba hindi lang si Pancho at Isabel ang problema nila. "Okay. Basta tawagan mo ako."

"Sige boss."

Tinapos na niya ang tawag. Iniisip pa rin niya ang sinabi ni Melvin. Mayroon ba siyang kakilala na may nunal sa gilid ng labi?

She gasps as realization drowned. Oh gosh. Si Tita Olive!


The Mistaken BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon