Lavender:
"Hi."
Kumunot ang noo ng babaeng kaharap niya. Naroon siya sa lobby ng Emerald Corporation. Iyon ay ang kompanya ng lola niya na ang nature ng business ay construction materials at reconstruction and upholstery. Noong mga nakaraang araw ay pinag aralan niya ang ilang mga dokumento na nasa lola niya. Particularly the finances. May mga ilang resibo at mga figures na hindi nagtatally. At may ilang mga resibo siyang nakita ngunit hindi naka register sa log book. Yes, she is taking up business management particularly HRM ngunit tila gusto niyang magbago ng kurso.
"Yes?" tinaasan siya ng kilay ng kaharap. Obvious ang ginawa nitong pagsuri sa kanya mula ulo hanggang paa. She is wearing a black sleeveless top, cream high low skirt, some black arm candy, earrings, gold necklace at black ankle strap sandals. **(Lavender's outfit)**
Wow. Talk about friendliness. Tumikhim siya. "I am sent by Doña Esmeralda," iniabot niya ang dalang folder na may kasamang sulat ng abuela. Pinalabas niya na isa siyang representative doon. At naroroon siya para pag aralan ang kompanya.
"Para saan ang gagawin mong study sa kompanya? Kamag anak ka ba ni Madam?" nanunuri ang tingin nito sa kanya.
"I'm just here to study the place." nagsisimula na siyang mainis. She gets her planner and took some notes.
"Ano ang isinusulat mo?"
She almost rolled her eyes. Tinitigan ang name tag nito sa unipormeng suot. "Gemma Castro. I don't think I have to explain everything. I've already shown you the reason why I am here. If you have other questions, you can call Doña Esmeralda. Marami pa akong kailangang pag aralan sa kompanyang ito kaysa sagutin ang mga tanong mo." she saw how her face turned red in embarrassment.
"Bitch." Gemma whispers.
Nilingon niya ito. "I heard that. Palalampasin ko ito ngayon. But expect that you are included in my report, Ms. Castro. Have some manners." pasaring niya dito. She didn't want her plans ruined nang dahil lamang sa babaeng ito.
The woman gasps habang nanlalaki ang mga matang sinundan siya ng tingin. How dare her! Ganito ba ang mga empleyado ng abuela niya?
Tinalikuran na niya ang nagngingitngit na babae sa reception at dumiretso sa pagsuri sa kompanya. Una niyang pinag aralan ang ground floor. Naroroon ang reception. Gayundin ang delivery room na sinakop ang halos buong first floor. May karugtong ito sa labas kung saan naroroon ang mga graba, semento at kung anu-ano pang mga construction materials. Sa delivery room ay narororoon din ang log book ng mga lumalabas at dumadating na delivery ng mga materials. Hinanap niya ang supervisor ng delivery ngunit ang sabi ay naka leave ito. She asks about the schedule of delivery na iniabot ng isang sekretarya sa kanya. May limang naka schedule ng delivery ng mga materials ngayon at tatlo naman ay naka schedule para ideliver sa tatlong kompanya na regular daw na bumibili sa kanila. She checks for the log book dahil ang sabi ay naideliver na ang isa sa tatlong kompanya. Ngunit wala ang record. She secretly took a photo of the logbook.
"Anong oras ang delivery ng mga gravel at sand?"
"Mga bandang alas diyes po. Ang susunod ay alas dose, dalawa sa alas dos at dalawa ng bandang alas singko."
Tumango tango siya. "Aakyat ako at ang ibang opisina naman ang titingnan ko. Pakitawagan ako sa number na iyan para ipaalam kung narito na ang delivery." ibinigay niya ang isang card sa lalaking kaharap.
Tumango naman ito. Tumalikod na siya at tinungo ang elevator para sa second floor kung nasaan naman ang receiving and releasing office at ang purchasing department.
"Good morning." bati niya pagpasok sa purchasing department.
Sinalubong siya ng tila secretary doon. "Yes?" at tulad ng naunang babae ay sinuri siya nito.
Napailing na lang siya. "I'm here to study the place and each of the department. I am sent here by Doña Esmeralda." iniabot niyang muli ang copy ng authorization letter.
"Okay. Feel free to roam around. I'm Dianne. Wala pa si Ma'am Isabel, ang supervisor ng purchasing. May inasikaso yata na transaction."
Kumunot ang noo niya. "Ma'am Isabel?" the name sounds familiar.
"Yes. Siya ang head dito."
Tumango siya. "At ikaw ang secretary niya?"
"Yes."
"Ngunit hindi mo alam ang transaction niya ngayon?"
Tila nalito ang kaharap. At namula.
"Okay. I'll have a check on the office," tumalikod na siya matapos magsulat sa planner tungkol sa kawalan ng alam ng secretary sa schedule ng bisor nito.
"Sino ba iyan?"
She heard them whispering. Malakas ang pandinig niya. Especially for gossips.
"Ewan ko. Ipinadala ni Madam."
"Baka iyan 'yong isa sa mga apo niya?"
"I don't know. Walang nakalagay doon sa letter. Baka intern or something."
"Bakit magpapadala ng representative without informing us?"
Humarap siya bigla na ikinagulat ng mga ito. "Excuse me. Are you being paid to talk about other people? It is work hours, right? Don't you have anything productive to do?" Napataas na ang boses niya.
Nagyuko ng ulo ang tatlong babae at nagsibalikan sa puwesto. Napailing siyang muli habang nagsusulat sa planner. Tsk.
Una niyang chineck ang mga listahan ng purchases. Humingi siya ng kopya gayundin ng mga items na binibili magmula sa taong iyon. Humingi ng ilang sandali ang secretary para ipa print ang mga kopya. She nods.
Iniikot ng paningin ang opisina. Most of them are looking at her. Ngunit mga nagtatrabaho din naman. Overall, mukhang medyo maayos naman ang purchasing. But that will also depends on the data mula sa mga binibili nilang products.
"Here are the lists para sa mga purchases at ang mga supplier. Narito naman ang mga lists ng mga materials and the amounts."
"This is for this year, right?"
"Yes. Tumawag si Miss Isabel at nasabi ko sa kanya na nandito ka. She said she will be here in about fifteen minutes."
"Alright. Thank you for the files. Lahat na ba ito?"
"Yes."
"I will have to go to the financing department. Here, take this card and you can call me once Miss Isabel arrives."
Tinanggap ng secretary ang card. She turns around and headed for the elevator. Mukhang ang Miss Isabel ang narinig niyang kausap ng lalaki sa party ng nakaraang gabi. She has to be quick.
BINABASA MO ANG
The Mistaken Bride
RomanceHe hated her. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa buhay niya. He will make sure she will suffer!