second. // Tala

720 40 1
                                    

second. // Tala







Noong kinakausap ko si Kyle, bigla na lang umalis si Shay. Kahit pilosopa yun, kailangan ko pa rin ng guidance niya! Baka mamaya, kung anu-ano na yung masabi ko kay Kyle eh. Nakakahiya pa naman yun. Well, sabi naman ni Kyle, manonood lang kami sa bahay nila. May TV kami sa bahay pero mas gusto ko yung kasama siya.



Kapitbahay lang namin si Kyle. Nandito siya pansamantala dahil summer. Babalik din siya sa siyudad kaya nilulubos ko na ito. Sabi niya, punta daw ako sa bahay nila. Nung una, nag-alinlangan pa ako. Pero naisip kong once in a lifetime lang to kaya dapat i-grab ko na yung opportunity! Baka wala nang second chance, sayang naman.




"Tao po!" sigaw ko. Probinsya to. Walang doorbell, mababa yung gate at uso pa ang paghaharana dito. Weird no?


Lumabas naman si Kyle nang nakangiti ng malawak. Naglakad siya at pinagbuksan ako ng gate. "Pasok, Tala."




Medyo mahihin naman ako ngayon. Ayoko naman kasing ma-turn off si Kyle kapag inasal ko yung ugali ko kapag si Shay yung kasama ko eh. Hindi pa nga nagiging kami, kakalimutan na niya ako. Hindi yan mangyayari!




"Upo ka muna," sabi niya. Noong nawala na siya sa paningin ko, inilibot ko naman yung paningin ko sa bahay niya. In fairness ah, maganda dito! Bumalik naman siya na may dala-dalang tray na may dalawang baso ng juice at may isang plato ng assorted na biskwit. Yung parang sa lamay ng patay.




Nginitian ko naman siya at kinuha yung basong may juice. Walang nag-iimikan sa amin. Nanood lang kami ng tv. Ang awkward nga kasi yung pinapanood namin movie ay isang love story. Nung naisip ko na kaming dalawa lang dito sa bahay nila, tapos ganito yung pinapanood namin, tapos magkatabi pa kami sa sofa nila, kinilig agad ako.



Nakita kong lumabas si Shay ng bahay na basang-basa ang buhok. Nice! Naglakad siya paalis papaunta sa The Boulevard. Kami naman ni Kyle, nagpatuloy lang sa panonood.


Natapos din ang pinapanood namin. Pinatay na niya yung tv at hinarap ako.




"Ahh, Tala. Birthday ko nga pala sa sabado," panimula niya. "Gusto ko sana kayong imbitahang dalawa ni Shay since kayong dalawa lang naman yung mga kaibigan ko dito."


"Hindi ba kami nakaka-gulo ng party mo? Baka kasi para sa inyong pamilya lang yung birthday party eh."




Ngumiti siya ng malapad na malapad at pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko. Bigla namang nagtaasan yung balahibo ko. Shocks! Nakakahiya naman eh!

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon