ninth. // Can this be it?
Tala's POV
"Shocks! Tala, nandito na talaga tayo sa Enchanted! Waaah!" sigaw ni Shay habang talon ng talon. Nakatingin lang naman kasi siya dun sa carousel na pinapangarap niyang sakyan.
Lumapit si Hiro kay Shay. Hinatak niya to sa entrance ng carousel, si Shay naman nagpadala na lang. Na-star struck yata sa carousel na yun eh. Tingnan mo! Hindi man lang umangal! Tsk. Iniwan pa kaming dalawa ni Prince.
"Sakay nga tayo!" sabi ko habang hinahatak si Prince.
"Ayoko nga! Pambata lang yan e!" angal ni Prince.
"Psh. Kesa naman nakatayo lang tayo dito."
Dinedma naman ako ni Prince. Nagseselos to! Halata naman eh. Kawawang prinsipe. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at inakbayan si Prince.
"Selfie!" sigaw ko. Nagulat naman yata si Prince. Noong nakita ko naman yung picture namin, natawa naman ako ng bonggang-bongga!
"Patingin nga!" sabi ni Prince. Sumiksik naman siya at tiningnan yung cellphone ko at bigla namang kumunot yung noo niya.
"Burahin mo nga yan!"
Binelatan ko siya at binalik yung cellphone ko sa bag ko. Natulala lang kami parehas. Ano kaya yung ginagawa ni Kyle ngayon? Kausap ba niya uli si Maui? Dalawang araw na lang, birthday na niya. Ani kayang regalo ang magugustuhan niya? Para sa akin kasi, mas gugustuhin ko yung simpleng regalo lang pero meaningful. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang saktong regalo na yun.
"Alam mo ba, baka maunahan ka pa ni Hiro nyan kay Shay. Sus!" sabi ko. "May lahing Hapon yun kaya magaling yun mag-ninja moves."
Tiningnan lang ako ni Prince. Psh. Ang hirap naman kausapin neto! Palibhasa, nawawalan na ng pag-asa tong prinsipe na to. Naaawa nga siya eh. Pero narealize ko na parehas lang pala kami ng posisyon. Parehas kaming patuloy na umaasa na magiging kami nung mga gusto namin. Parehas kaming nageeffort para maipakita lang na gusto namin sila pero yung pinakikitaan naman namin ng effort, manhid. Hays, buhay nga talaga.
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...