nineteenth. // Summer Fest

262 25 0
                                    

nineteenth. // Summer Fest







Shay's POV



"Tala, ano kaya yung magandang i-perform sa Summer Fest?" tanong ko habang nakadapa sa akong kama.


"Kanta na lang tayo. I mean ikaw," sabi ni Tala.




Napa-upo naman ako sa sinabi ni Tala, sinamaan ko ang tingin ko sa kanya. Tumawa na lang siya at nagpatuloy sa pag-gawa ng bracelet gawa sa loom bands. Alam na namin kung nasaan sa balat ng kalupaan ng Pilipinas si Prince. Peste talaga yun! Dahil stressed kami kanina dahil sa Prinsipe na yun, nag-rerelax naman kami ngayon ni Tala.




"Ano kayang magandang kantahin?" tanong ko.


"Bahala ka. Ikaw naman yung kakanta eh hahaha."




Yearly kasi etong Summer Fest na ito. Lagi lang kaming nanonoond pero napag-isipan namin ni Tala na mag-try na mag-perform ngayong taon. Nagmamadali na nga kami sa lagay na to eh. Paano ba naman kasi, tatlong araw na lang bago yung Summer Fest. Eh sa dami ba namang nangyayari sa buhay namin, syempre makakalimutan din namin yung tungkol sa performance namin.




"Relax ka lang, Shay. Kain na nga muna tayo."




Bumaba kami ni Tala papunta sa kusina para kumuha ng makakain tapos ay pumunta kami sa sala at sinet-up yung karaoke. Kaming dalawa lang ni Tala yung nasa bahay dahil nasa trabaho sina mommy at daddy tapos si Kuya Cyrus naman, ewan ko dun. May sarili naman kasi siyang buhay eh. Ayaw naman naming tawagin sina boy Japan at si Kyle dahil minsan, KJ yung dalawang yun. Nakaka-bad vibes.



Nag-videoke kami ni Tala para makapili kami ng magandang kakantahin sa Summer Fest. Ok lang kung marinig nung mga kapitbahay namin yung pag-kanta namin dahil confident akong maganda ang boses namin ni Tala.




"Sa dami ng kinanta natin, wala pa tayong napipiling kanta," sabi ni Tala.


"Eto! Eto na lang yung kantahin natin!" sabi ko habang pinapakita kay Tala yung title ng kanta na nasa song book.


"Breakeven?" tanong niya habang pinipindot ko sa remote yung mga number ng kanyang yun.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon