third. // It's a date

517 39 0
                                    

third. // It's a date







Shay's POV



8:35 am. Nagising na lang ako noong niyuyugyog ako ng todo ni Tala. Nasa baba kaya yung hapon na yun? Baka naman aalis lang tong si Tala.




"Shay, nandyan yata yung hapon," sabi ni Tala.


Napatayo naman ako sa sinabi niya. "Nadyan siya?"


Tumango naman si Tala. "Ang pogi ah!"




Dali-dali na akong bumaba. Wala na akong paki-alam kung ano yung itsura ko. Kahit gulo-gulo pa yung buhok ko, kahit may muta pa ako at may panis na laway sa pisngi ko. Ano pa ang saysay ng pag-aayos ng sarili mo kung pangit naman yung nasa labas ng bahay mo.




"Hi Shay Clover!" bati ni Hiroshi.


"Paano mo nalaman yung buong pangalan ko?"


Tumawa naman siya. Wala namang nakakatawa ah! "Doon ako sa hotel niyo naka-check in. Nakausap ko yung daddy mo sa reception area kaya kinausap ko."


"Paano mo nalaman na daddy ko yun?"


"Kamukha mo. Tapos tinanong ko kung kilala ka niya, tapos sabi niya, anak niya raw ikaw."


"Eh bakit ka nandito?" yamot kong tanong.


"Kasi mag-de-date tayo," sabi niya na para bang um-oo na ako.




Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano namang date ang pinagsasa-sabi neto? Date daw?




"Che! Manigas ka dyan!" sabi ko sa kanya at pinagsarhan ng pinto.


Narinig ko naman na may sinabi pa siyang, "Hindi. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag!" Natawa naman ako sa ginawa niya. Asa pa siyang lalabas ako. Tsaka parang kaya naman niyang maghintay dun sa labas. Hah! Tingnan natin ngayon kung sino ang bibigay!



Umakyat ako pabalik sa kuwarto namin ni Tala. Nag-aayos na siya ng gamit niya para dun sa swimming nila ni Kyle. Hindi ba to nagsasawang mag-swimming? Halos inaraw-araw na niya eh!


Ang sabi sa akin ni Tala, yung mga tao raw na walang crush, alien. So sinasabi niyang alien ako?! Eh paano naman ako magiging alien, eh parehas na tao yung magulang ko. Tapos kapag alien talaga ako, edi alien din si Tala! Mag-pinsan kami eh! Yan yata yung napapala ng mga taong adik sa My Love from the Star eh. Alien na lang ng alien palagi.




"Alis na ako, Shay," sabi ni Tala. Tumango na lang ako at bumalik sa pag-tulog.




11 am na nung nagising muli ako. Pagbaba ko, nandun pa rin si boy Japan sa labas, naka-upo sa kalsada. Kawawa naman. Buti na lang at ako na lang ang tao sa bahay. Mag-a-apat na oras na siyang nandyan ah!


Kumain na lang ako. Tapos naligo. Tapos nanood ng TV. Tapos nag-internet. Nagawa ko na lahat ng pwedeng gawin sa bahay pero pag-sinilip ko yung bintana, nandun pa rin siya. Naaawa na talaga ako sa kanya. Siguro, kahit mayabang siya, mabait pa rin naman siya kahit papaano.


Lumabas ako ng bahay at tinawag siya.




"Oy boy Japan."




Habang nilo-lock ko yung pinto, agad naman siyang tumayo at nagpagpag. Noong nakita niya ako, naka ngiti siyang nakakayamot. Yung para bang nang-aasar. Yung parag nagsasabing, "Sino satin ngayon ang bumigay?" Nakakayamot talaga.



"Sino satin ngayon ang bumigay?" tanong niya. Odiba! Psychic ako, normal na yan.


"Magpapahangin lang ako. Wag kang assuming," sabi ko.



Hindi pa rin nawawala yung nakakayamot niyang ngiti. Hinila niya ako papunta sa kotse na. Oo na! Mayaman na siya. Sa sobrang gara ng kanyang kotse, parang ayaw kong hawakan. Ganun pa rin yung itsura ni boy Japan. Naka-man bun, shades, polo at shorts. Nakakayamot pa rin siya.




"Saan mo naman ako balak dalhin?" tanong ko.


"Kung saan tayo balak dalhin ng kotse ko," sagot niya.




Ang bobo naman nung sagot niya. Kung saan tayo balak dalhin ng kotse ko?" Talaga? May sarili bang isipan yang kotse niya? Hindi na lang ako nag-salita dahil nayayamot lang ako kapag naririnig ko yung boses niya.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon