fourteenth. // Nightmare
Tala's POV
Kinabukasan, nagising na lang ako sa ingay ng mga tao sa labas ng bahay. Sinilip ko na lang sa bintana ko kung ano na yung nangyayari sa labas.
Mukhang normal lang naman lahat. Pero bakit ang ingay-ingay nila? Tanghali na rin ako nagising pero ngayon lang yata nagkabuhay ang street namin. Bumaba ako at lumabas para makita kung ano ang nangyayari. Tulog pa si Shay kaya hindi ko na siya ginising.
Paglabas ko, nakita kong marami ang taong nagkukumpulan sa may nreach front kaya pinuntahan ko. Wala na akong pakialam kung magulo pa ang buhok ko, nakapang-tulog pa ako. Pag-dating ko dun, may nakita na lang akong dalawang kotse ng pulis na nakatigil sa harap ng resort and hotel namin.
Lumapit pa ako at may nakita akong dalawang pulis na may kasamang isang lalaking naka-uniform ng receptionist na nakayuko at naka-posas. Kilala ko to ah! Hinawi ko ang mga tao hanggang sa ako na ang nasa harap.
"Tito?" mahina kong bigkas. Noong nakita ko ang mukha niya, hindi ko na lang napigilang maluha. Tumakbo ako papunta kay tito at niyakap. "Tito, ano ang nangyayari?"
Nakangiti pa rin siya. "Hindi ko rin alam, Tala. Wag kang mag-alala dahil magiging maayos din ang lahat," sabi niya at tsaka naglakad na kasama ang mga pulis papasok ng kotse. Nasa likod naman nung mga pulis si Tita. Hinagkan ko siya tsaka sumakay na rin siya sa kotse.
Habang naglalakad ako pauwi, narinig ko yung mga chismosa kong mga kapitbahay na nagchichismisan. Sino pa ang ang chismis nila, edi si tito. Nagnakaw daw si tito kaya siya hinuli. Gusto ko na lang matawa sa chismis nila dahil hindi naman totoo yun pero hindi ko magawa dahil hindi ko mapigilang maawa kay tito. Alam ko naman kasing inosente siya at hindi niya magagawa ang bagay na yun. Kay tito kaya yung resot at mayaman na siya. Di na niya kailangang mag-nakaw.
Noong nasa harap na ako ng bahay, nakita ko naman na nasa labas na ng bahay si Shay.
"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Umiyak na lang uli ako at napayakap sa kanya.
Napatingin naman ako sa likod ko at nakita si Prince na hingal na hingal. Kasama niya si Hiroshi. Dun nga pala sa hotel namin naka-check in si Hiroshi habang dun naman nagtatrabaho si Prince.
"Shay, ang papa mo, na-aresto!" sabi ni Prince.
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfic"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...