fifth. // Almost Perfect
Tala's POV
Noong lumabas ako sa bahay, nakita ko si hapon sa labas. Nakatayo pa rin siya sa labas ng bahay namin. Tiningnan ko lang siya habang siya naman, busy sa kakatingin kay Shay sa taas. Asa pa siyang bababaan agad siya nun.
Noong nakita naman niya ako, bigla niya akong nilapitan.
"Ano ginagawa ni Shay? Pwede ko ba siyang kausapin uli?" tanong niya.
"Natutulog siya. Kapag ginising ko naman yun, baka naman magwala siya ng parang tigreng hindi pinakain ng isang linggo."
Naglakad ako papalayo kay hapon. Kawawa naman siya! Mukha namang gustong-gusto niya si Shay. Wala eh. Ayaw na ni Shay. Ang weird nga kasi sa aming dalawa, si Shay ang naniniwala sa mga prince charming na yun. Hindi naman halata diba?
Isa pa lang kasi yung lalaking nagustuhan niya. Yes! Sa buong buhay niya, siya lang yung pinangarap niyang maging prince charming niya. Si Prince. Well, hindi na muna ako magkukwento. Hayaan niyong si Shay na yung mag-sabi ng mga nangyari.
Kapag sa una, mahirap pakisamahan yang si Shay dahil na rin sa ugali niyang pagiging siga at pilosopa. Pero habang tumatagal, masaya na siyang kasama. Hindi siya anghel, halata naman. Mas nangingibabaw pa nga yung pagiging satana niya eh. Pero mabait talaga yan. Hindi lang nagpapahalata.
Noong nakarating na ako sa beach front, nakita ko na si Kyle sa may kubo na nasa ilalim ng puno ng buko. Kumaway naman si Kyle at naglakad patungo sa akin. Gosh! Papalapit na siya!
"Hi, Tala," sabi ni Kyle. Grabe naman! Dalawang salita lang yun pero nagawa niyang pataasin yung mga balahibo ko! Hanep!
"Hello, Kyle."
Kinuha niya yung bag ko at yung beach towel ko at naglakad papunta sa kubo. Hawak hawak nga niya yung kamay ko habang naglalakad eh! Ang hirap magtago ng pagkaka-kilig!
Binaba niya yung gamit ko sa may upuan. Kinuha ko naman yung baby oil sa loob ng bag ko. Vain ako kaya naglalagay ako nya! Ayoko ng sunblock kasi nawawala din kapag nasa tubig na. Noong tapos na akong maglagay ng baby oil, humarap ako kay Kyle. Literal na hindi ako makahinga sa nakita ko. Shocks! Kakaibang grasya to ah! Nakita ko lang naman kasi si Kyle na naka-topless. Shemay! Pinagpawisan tuloy ako!
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...