eleventh. // Birthday
Tala's POV
Pumunta na ako sa bahay nina Kyle na nasa harap lang ng bahay namin. Kinakabahan pa nga ako kasi baka kung ano pa yung mangyari ngayon. Alam niyo naman na halos kalahati ng self-confidence ko ang dala-dala ni Shay kasi kapag kasama ko siya, tsaka lang ako nagiging komportable.
Nakita ko si Kyle. Ine-entertain niya yung iba niyang bisita kaya hindi ko muna siya nilapitan. Umupo na lang ako mag-isa sa gilid. Noong nakita naman ako ni Kyle, nilapitan niya agad ako.
"Happy Birthday, Kyle!" bati ko. Inabot ko sa kanya yung regalo ko sa kanya.
"Salamat ah. Pasensya na kung hindi kita masasamahan dito ah," sabi niya.
"Okay lang. Birthday mo naman kaya mag-enjoy ka lang."
"Salamat uli ah. Sige, mauna na ako."
Naiwan nanaman akong mag-isa. Pinanood ko na lang yung ibang mga bisitang masayang nagkukwentuhan. Akala ko ba, family lang to. Buong angkan na to eh! Alam ko namang family pa rin ang tawag sa kanila pero kahit na!
Natauhan ako nung may nakatayo sa harap ko. Napangiti naman ako dahil at last, may lumapit sa akin kilala ko bukod kay Kyle at sa magulang niya.
"Hello, Maureen!" bati ko. Naka-red sunday dress siya. Hindi halata dahil masyado nang maigsi.
Tinaasan niya ako ng kilay. Ok? Anyare sa kanya? Lumapit siya ng dahan-dahan sa gawi ko. Napapa-atras naman ako. Sobrang iba yung itsura niya.
"Akala mo ba, maaagaw mo si Kyle ng ganun-ganun na lang? Well, hindi ko papayagang maging magkaibigan pa kayo dahil here comes your worst nightmare," pagbabanta ni Maureen. "Even if you layed a single touch on him, I'll make sure that you'll live a hell of a life."
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...