fourth. // Friends, right?

527 38 3
                                    

fourth. // Friends, right?







Shay's POV



Bumaba ako sa kotse ni boy Japan. Nasa mall kami. Ang tagal ko nang hindi nakakapunta ng mall dahil medyo may pagka-layuan din ito sa lugar namin. Syempre, tabing dagat yung lugar namin. Sino ba ang magtatayo ng mall sa tabing dagat?



Hinila ako ni boy Japan papasok sa mall nang hindi man lang nag-sasalita. Nagpumiglas naman ako hanggang sa pinakawalan na rin niya yung kamay ko.




"Bakit ba kasi tayo nandito?" inis kong tanong kay boy Japan.


"Ikaw na nga tong ginagawan ng maganda, ganyan ka pa."


Tumaas naman yung kilay ko. "Aba! Ano naman ba ang ginawa ko para gawan mo ako ng maganda? Ikaw lang naman ang may gusto nito ah!" sabi ko sa kanya.


Napakamot na lang siya ng ulo. Mukhang nahiya naman siya. "I just wanted to make it up to you."


Natawa naman ako sa sinabi niya. "Ikaw? Eh ang yabang mo nga eh!"


"Hindi ako mayabang. Sadyang pogi lang ako."


"Che! Mukha mo!"


"Pogi," agad niyang dugtong. Nasamid lang ako sa sinabi niya.




Pumasok na kami sa mall. Hindi ko ba alam dito sa hapon na to kung bakit niya ako dinala-dala dito sa mall kung iiwan rin niya ako. Nakakainis! Naliligaw na tuloy ako. Nagtatanong ako sa mga tao dito pero parang weirdong-weirdo sila saakin. Bakit? First time lang ba nilang makakita ng babaeng nagtatanong sa loob ng mall? Mukha ba akong magnanakaw?



Lumabas na lang ako ng mall. Nakaka-inis! Pumara na lang ako tricycle. Noong pasakay na ako, bigla namang may pumigil sa akin. Sisipain ko na sana sa tuhod kaso lang noong nakita ko kung sino yun, nayamot agad ako kasi si boy Japan lang pala yun.




"Sasakay po ba kayo?" tanong nung tricycle driver.


"Hindi na po," sabi ni boy Japan at tsaka sumakay naman yung isang pasahero.




Hinarap niya ako sa kanya. May halong pag-aalala at pagka-yamot ang ekspresyon ng mukha niya. Ang hirap malaman kung ano yung iniisip niya. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Parang pamilyar yung mukha niya ah.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon