epilogue. // The End

605 35 15
                                    

epilogue. // The End







Shay's POV



"Shay! Shay!" sigaw ni Tala pagkabalik niya sa CR. Sobrang ingay kasi dito sa Summer Fest.


"Bakit?" sigaw ko pabalik.


"Si Hiroshi, naaksidente! Kritikal na raw yung lagay niya," nangingiyak-iyak na sambit ni Tala.




Sa puntong iyon, parang tumahimik ang paligid ko. Pakiramdam ko, huminto ang oras. Napaluhod na lang ako at umiyak. Tinabihan ako ni Tala at hinagod ang likod ko. Naramdaman ko ring tumigil sa pagsasaya ang mga tao sa paligid ko. Dumami din  yung mga tumatapik sa likod ko.




"Tayo na Shay, pupuntahan natin siya." Kahit hindi ko nakita kung sino yung nag-salita, alam kong si Kuya Cyrus iyon. Kahit na may sariling mundo siya palagi, kapag may umaway sa akin, siya ang soldier ko.




Pumasok kami sa van nina Kyle. Pagdating na pagdating namin sa ospital, pumunta agad kami sa emergency room. Doon ko nakita ang isang babaeng umiiyak din. Noong nakita niya ako, agad-agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong pulso.





"Shay, pwede ba tayong mag-kausap?" tanong nung babae. Kahit hindi ko siya kilala, napatango na lang ng husto ang aking ulo.





Pumunta kami sa isang sulok kung saan halos kaming dalawa lang nung babae ang naroroon. Umupo kami sa upuan at nag-simula nang mag-salita ang babae.





"Unang una sa lahat, ako si Felice Mendoza, mommy ni Hiroshi. Gusto ko lang sana mag-sorry sa lahat ng nagawa kong masama sa iyo at sa pamilya mo. Lalong lalo na sa daddy mo," sabi niya at bigla namang napakunot ang noo ko. "Please let me explain everything to you. Ako ang may pakana sa likod ng pagkakakulong ng daddy mo," pagkasabi pa lang niya nun ay napaiyak lalo ako. "I am so sorry. Alam kong sa ang sorry kong ito ay hindi sapat para mapatawad niyo ako sa lahat ng nagawa kong masama. Pinag-sisisihan ko lahat."




Hindi ako makapaniwala sa lahat ng naririnig ko. Sana panaginip lang ito. Sana hindi to nangyayari. Habang hinihintay kong mag sink-in sa utak ko lahat ng sinabi ng mommy ni Hiro ay patuloy siyang nag-kuwento.




"It all started when I was giving birth to Hiro, his father is at work. He hurried on his way to the hospital. Then the unexpected happened, naaksidente siya. He was sent in the same hospital I'm in. Tinanong ko sa magulang ko kung saan ang room niya sa ospital pero, wala raw siyang room number dahil namatay siya as soon na nakarating siya sa hospital."



"It hurts for me dahil hindi man lang nakita ni Hiro yung daddy niya. Ayokong mangyari kay Hiro, lahat lahat nung nangyari sa daddy niya. Nararamdaman kong nasasakal na si Hiro sa lahat ng ginagawa ko for him pero I always thought that ang ginagawa ko ay para sa kanya. Para sa ikabubuti niya, pero hindi pala. I was doing that for myself. Naging selfish ako."



"Narealize ko na right this time, parehas lang tayo ng pinagdaanan. He was willing to give up his life for you. He is fighting for his life right now because he loves you. Wala kang kasalanan, Shay. I am sorry for all the bad things I've done to you and to your family. I am sure that Hiro is happy seeing you happy. Siguro hindi natin talaga maiiwasang magmahal. Hindi natin maiiwasang gumawa ng iba't ibang bagay para sa pag-ibig."




After that, tinawag na kami nina mommy at daddy dahil may sasabihin na raw yung doktor. When we saw the doctor, he had a sad face plastered in his face.




×××




Six months later...


Undas, November.




Tinitingnan ko ang pangalan niya dito. Tahimik at mapayapa ang paligid. Inilagay ko sa tuktok ng kanyang puntod ang bulaklak na rosas. Umupo na lang ako at pinagmasdan muli ang kanyang pangalan. Naramdaman kong bumalot ang hangin sa akin. Nararamdaman kita, salamat sa yakap.




Naramdaman kong tumutulo na pala ang luha ko. Six months na pala. Tumabi sa akin si Tala at Kyle. Pinagmasdan din nila ang puntod. Ngumiti sila at tumayo na rin. Hinanda na nila ang picnic blanket namin. Tinatawag na nila ako pero eto ako, nakatitig pa rin sa puntod. Sana masaya ka.






May umupo sa tabi ko at umakbay.






"Hello, Dad. Eto po si Shay, girlfriend ko," sabi ni Hiro.




fin.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon