seventeenth. // Selos
Shay's POV
Matapos ang madramang pagbabalik ni daddy sa bahay, lalong nag-pakita ng affection at effort itong si boy Japan. Hindi nga ako sanay na ganun siya ka-sweet kasi dati naman, paiba-iba siya ng mood. Ako naman, napaghahalata kong medyo bumabait na ako sa kanya. Di ko na siya masyadong tinatarayan, na hanggang sa ngayon ay naninibago pa rin ako.
Halos everyday, may dala-dala siyang flowers or chocolates para sa akin. Tapos twice a week ba naman kami mag-date! Nag movie date na kami, picnic date, lunch date tapos ngayon naman, mag-beach date daw kami, ay ewan! Lahat yata, gusto niyang gawin.
"Ready ka na?" tanong niya sa akin.
Ang lapit-lapit lang ng bahay namin, kailangan ko pa bang magdala ng ibang gamit?
"Ikaw yata yung kailangang tanungin eh. Para kasing mag-oouting tayo sa dami mong dala, ang lapit lang naman nung beach."
Ngumisi na lang siya at ibinaba ang mga bag na dala-dala niya. Kasi nama, may backpack na siyang dala, may handcarry pa at shoulder bag. Yung seryoso?
Lumabas na kami ng bahay. Dumiretso kami sa The Boulevard. Kumain muna kami dun sa may kainan bago dumiretso sa beach mismo.
"Bakit dito tayo kakain?" tanong ni boy Japan nung nag-order ako. Bumalik naman ako sa table namin, dala-dala yung mga ulam.
"Bakit? Masarap naman yung pagkain dito ah."
"Eh baka kasi sumakit tiyan mo pag kumain ka niyan eh."
Sinamaan ko na lang yung tingin ko sa kanya. "Sa sobrang tagal ko nang nakatira dito, hindi naman sumakit yung tiyan ko sa pagkain dito. Kung ayaw mo kumain, edi wag."
Kukunin ko na sana yung plato niyang may kanin pati na rin yung ulam niya pero pinigilan niya yung kamay ko at nagsimula na siyang kumain. Ganun ba kaselan sa pagkain ang mga mayayaman na to? Sus! Ang daming arte sa buhay.
Hindi na siya nag-salita at nagpatuloy lang sa pag-kain. Nagtitinginan na nga yung mga tao sa paligid eh. Buti at hindi pa siya nabubulunan ngayon.
Natapos din siyang kumain, habang ako, nakatingin pa rin sa kanya. Nginisian niya lang ako. Tinapos ko na rin ang kainin yung pagkain ko habang nakatingin pa rin si boy Japan sa akin. Haaay ang awkward. Pagkatapos kong kumain, bigla naman niya akong hinatak papunta dun sa henna tattoo shop. Agad siyang umupo at bumulong sa tattoo artist.
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...