first. // Shay

1.2K 46 1
                                    

first. // Shay







Ahh. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin sa probinsya! Masarap talaga yung buhay dito lalo na kapag summer! Yung hangin galing sa dagat. Yung masasarap na pagkain. Tsaka yung mga starfish sa tabing dagat! Paraiso talaga!



Dito talaga ako sa probinsya nakatira. Kasama ko dito yung pamilya ko, syempre. At yung pinsan ko, si Tala. Nasa Maynila kasi yung magulang niya kaya dito muna siya sa amin. Hindi naman kami mahirap. Di rin kami mayaman. Average lang ang pamumuhay namin. Napapag-aral kami ng mga magulang ko, nakakain naman kami ng umagahan, tanghalian, meryenda, hapunan at minsan, midnight snacks.




"Shay! Mags-swimming ba tayo?" tanong ni Tala.


Tinawanan ko na lang siya. "Nag-swimming na tayo kahapon ah. Iitim na tayo nyan! Baka mamaya, dumating yung prince charming natin, ang itim na."


"Prince Charming? Oy Shay, wala nang ganun! Tsaka uso naman yung ombre ngayon diba? At least sa atin, sa balat. Unique tayo!"


Napa-face palm na lang ako. "Mag-bike nga tayo!"




Tumakbo kami papunta sa bahay at kinuha ang mga bike namin sa garahe. Nag-bike kami papunta sa hidden cove na nakatago dito sa may tabing-dagat. Kaming dalawa lang ni Tala yung nakaka-alam dito. Kahit labag sa kalooban kong lumangoy, napalangoy pa rin ako kasi kailangan mo para makapunta dun sa cove.



Pagdating namin sa cove, napaupo na lang kami dun sa bato at pinagmasdan ang dagat. Ang peaceful na sana kaso nga lang biglang tumili si Tala.




"Oh my gosh! Shocks! Oh my gosh!" sigaw niya.


Binatukan ko naman siya. Parang ewan lang kasi eh. Bigla na lang titili! "Anong nagyayari sayo?"


"Tinext kasi ako ni Kyle!" sabi niya habang pinapakita yung phone niyang de-touch screen.


"Eh ano naman ngayon? May nag-te-text din naman sa akin ah!" sabi ko.


Napa-face palm si Tala. Aba! Ginagaya ako ni Inday! "Iba to, Shay. Alam mo naman na ano eh."


Hindi na itinuloy ni Tala yung sasabihin niya. "Na ano? Pa suspense ka pa!"


"Na ano... Na crush ko siya."


"Yun naman pala eh. Eto tawagan mo na!" sabi ko.


Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon