seventh. // Hiro vs. Prince

427 28 1
                                    

seventh. // Hiro vs. Prince







Shay's POV



Tanghali na at nandito ako sa kuwarto, tulog na tulog. Eh ano pa ba ang gagawin ko ngayon? Ayokong lumabas ng bahay dahil feel ko, ayokong masikatan ng araw. Umiiral nanaman yung pagka-bampira ko eh. Ang sarap kaya matulog! Bakit ka pa lalabas kung saan mainit kung pwedeng dito ka na lang sa kuwarto. De aircon pa!




"Shay, may naghahanap sayo," sabi ni Tala nung pumasok siya sa loob ng kuwarto.


Kumunot naman yung noo ko. "Sino naman?"


"Tingnan mo na lang."




Pinilit kong tumayo sa kama. Tamad na kung tamad. Naligo na ako, syempre. Inayos kong muli ang sarili ko at bumaba. Muntikan na nga akong sumubsob sa hagdan kasi inaantok pa rin ako. Pagdating ko sa sala...




"Hi Shay!"




Kinusot ko ang mata ko. Bakit nandito sina Prince at boy Japan? At kailangan pa talagang sabay silang bumatin ah! Ang laki ng ngiti nila na dumating na sa puntong natatakot na ako. Nilapitan ko si Tala na ngayon na katabi ko.




"Wag mo akong iiwan ah," bulong ko sa kanya. Ngumisi na lang si Tala.




Ibinalik ko ang attensyon ko kena Prince at boy Japan. Ganun pa rin yung ngiti nila. Nakakatakot. Ano ba naman kasi yung nakain ng mga eto!




"Shay, saan mo gustong pumunta?" tanong ni boy Japan.


"Sa mall?" sabi ni Prince.


"Nakapunta na kami ni boy Japan dun kahapon," sagot ko.


"Sa park?" tanong muli ni Prince.




Umiling ako. Lagi kami nandun sa park bago pa namin ma-discover yung secret cove namin! Halos araw'araw nga kami ni Tala eh. Nasawa kami dun kaya nag-hanap kami bagong lugar na pagta-tambayan. Kaya yun, napunta kami sa may dagat.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon