tenth. // Babysitting
Shay's POV
Isang dalawang na ang nakaraan pagkatapos naming pumunta ng Enchanted Kingdom. As usual, consistent pa rin yung dalawang ugok sa pagpunta sa bahay. Nakakayamot nga kasi si Prince, imbes na pagsilbihan yung mga tao sa resort na pinagtatrabahuhan niya, inuuna niya ako. Eto namang si boy Japan, wala na yatang gustong gawin sa buhay kundi sundan ako sa mga pinupuntahan ko. Sa secret cove na lang yata siya hindi nakakunta eh! Akalain niyo, hanggang sa kuwarto namin ni Tala, nakapasok na siya?! Ang kapal lang talaga eh. Ang batukan ng isang daang beses!
"Sure ka bang ayaw mong sumama?" tanong ni Tala sa akin.
"Kaya mo yan! Kapag may problema, tawagan mo lang ako," sabi ko sa kanya. "Si Kyle lang yun! Ano ka ba, lalaki lang yun no! Baka nga hindi pa siya natutuli eh!"
"Uy grabe ka naman! Na-tuli na naman siguro yun!"
Ngumiti naman si Tala sa akin. Mabait ako no! Pilosopa at high-blood man ako madalas, mabait pa rin ako. Mabait pero mas lumalamang yata yung pagka-sama ko paminsan, tsk.
"Mauna na nga ako," sabi ni Tala.
Birthday kasi ni Kyle. Tapat lang naman kasi nung bahay namin yung bahay nung Kyle na yun pero ayaw pumunta ni Tala nung una. Nawala naman yata bigla yung sel-confdence ni bituin? Ang manhid kasi nung Kyle na yun eh.
Lumabas na si Tala. Nahiga naman ako sa sofa namin. Mag-isa na naman ako sa bahay. Nasa trabaho na kasi si prinsipe pati na yung magulang ko. Nasa party naman si bituin. Yung kuya ko, malay ko dun. Si boy Japan? Tsk. Wala akong pake.
May tumawag sa akin. Istorbo ah! Kung kailang natutulog na ako, tsaka tumatawag.
"Hello? Sino to?" tanong ko.
["Shay! Si auntie to. Pwede mo bang alagaan muna si junior? Mag-eenroll kasi kami ni Buboy eh."]
"Ah sige po! Tutal, wala naman akong gagawin ngayon."
["Ay salamat talaga, Shay! Uuwian na lang kita ng pagkain."]
"Sige po! Papunta na po ako dyan."
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...