sixth. // Prinsipe Prince
Shay's POV
"See you tomorrow, best friend," sabi ni boy Japan. Pumasok na siya sa kotse at pinatakbo ang kanyang kotse.
Pumasok naman ako sa bahay. Sa sobrang pagod ko, nag-lakad na lang ako diretso sa kusina para uminom ng tubig. Natigilan naman ako sa paglalakad noong ma biglang bumati sa akin.
"Hi, Shay!"
Bigla namang lumaki yung mata ko. "P-Prince?"
Tumayo siya at naglakad naman papunta sa akin. Tumakbo naman ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Sobrang na-miss ko to! Halos mag-i-isang taon na rin kasing hindi ko siya nakita. Nagtrabaho kasi siya sa Maynila. Hindi kasi sapat ang pera nila kaya nag-trabaho na lang muna siya. Tinulungan siya ni papa na makakuha ng trabaho.
"Kumusta ka na?" tanong niya.
"Eto, wala pa ring nagbabago."
Ngumiti siiya at naupong muli sa sofa. Feeling at home talaga tong mokong na to. Ang sabi kasi ni papa, dapat daw, feel at home si Prince sa bahay namin dahil anak na rin daw ang turing niya kay Prinsipe. OA lang ni papa no?
Ewan ko nga kung bakit nag-iiba yung ugali ko kapag siya na yung kausap. Nababawasan yung pagka-pilosopa ko, bumababa yung blood pressure ko tapos parang lagi akong nai-ihi. Ay ewan!
"Kamusta naman ang buhay sa Maynila?" tanong ko.
Ngumiti naman siya ng malapad. "Ayun, magulo. Parang ayoko na ngang bumalik dun eh."
"Eh bakit ka biglang umuwi?"
"Noong narinig kong nag-ha-hire yung resort dito ng staff, agad agad akong bumalik dito."
Na-disappoint naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Ang gulo na kasi talaga ng isip ko. Siguro kasi puro trabaho na yung iniisip niya. Concerned lang naman ako.
"Na-miss rin kasi kita," sabi niya. Bigla na lang nanglaki yung mata ko. "Yiee! Kilig siya!"
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...