sixteenth. // Harana
Shay's POV
Isang linggo na ang nakakalipas. Katatapos lang ng mga summer jobs namin kahapon at ngayon naman, sama sama kami nina mama, Tala at ni Kuya dito sa kuwarto namin ni Tala. Dun naman daw muna kasi si boy Japan naman, matutulog sa bahay nina Kyle. Si Prince naman, umuwi na sa bahay nila. Ewan ko ba sa kanila.
Hanggang ngayon, nasa kulungan pa rin si daddy. Binibilang namin nina mama lahat ng naipon namin sa summer jobs namin. Noong natapos na kaming mag-bilang, parang lumungkot naman si mama. Hindi kasi umabot yung kita namin eh.
"Ano pa ba yung magandang raket?" tanong ko sa kanila.
Napangiti si mama at nagsalita. "Anak, wag niyo nang problemahin ito. Ako na ang bahala dito."
"Tita, ok lang naman po sa amin ito. Gusto lang naman po naming makatulong dahil sa sobrang daming bagay na ibinigay niyo po sa amin, sa ganitong paraan lamang po namin kayo masusuklian," sabi ni Tala.
Tiningnan ko naman siya, "Ang dami mong sinabi ah. Seryoso, mag-isip na lang tayo ng raket."
Natigilan kami sa pag-uusap noong may narinig kaming kumakanta.
♪ Uso pa ba, ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Bigla naman akong napatayo at binuksan ang bintana sa kuwarto. Tumingin ako sa baba at literal na napa-nganga ako. Nakatayo si boy Japan sa labas ng bahay na may dala-dalang mga bulaklak. Nasa gilid naman niya si Kyle na nag-gigitara.
♪ Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
Pinanood ko na lang siyang kumanta. Nakitingin naman sina mama, kuya at si Tala na kinikilig dahil siguro kay Kyle.
♪At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...