thirteenth. // Dinner Date

297 29 0
                                    

thirteenth. // Dinner Date







Tala's POV



As expected , pumunta si Kyle sa bahay. Marami siyang dala-dalang pagkain. Mukha bang mau-ubos namin lahat ng pagkain na to? Meron kasi siyang Sinigang, Adobo, Kaldereta, Kare-kare at Menudo. Sobrang dami.


Tumulong na rin siyang mag-hain ng mga ulam. Kumain na rin kami pagkatapos. Nag-usap din kami pero wala naman talaga akong naintindihan sa mga kuwento niya kasi masyadong occupied ang utak at mata ko sa mukha ni Kyle. Ano ba yan! Ang pogi niya talaga!




"Tala, okay ka lang?" tanong ni Kyle.




Jusko po! Nakatitig na pala ako sa kanya! Nakakahiya naman oh! Gusto ko nang mag-kulong sa kuwarto dahil sa kahihiyan!



"A-ah e-eh. O-Oo naman hehe."




×××




Shay's POV



Nag-drive siya, natulog ako. Ginising na lang niya ako nung naka park na kami sa harap ng isang restaurant. Nakangiti lang siya sa akin. Ang weird ah. Pumasok kami sa resto na halata namang pang-mayaman sa labas pa lang. Sobrang gara ng kainan!




"Akala ko ba dinner lang?" tanong ko sa kanya nung umupo na kami.


"Dinner nga."


"Eh date na to eh! Ikaw ah!"


"Edi dinner date," sagot niya habang tiniingnan yung menu nang naka-ngisi.


Napa-iling na lang ako. "Grabe ka! Style mo, bulok."


"But you fell for it."




Nag-order na siya para sa amin. Noong umalis na yung waiter, medyo tumahimik na. Hindi ko tinitingnan si boy Japan kasi baka mainis lang uli ako sa kanya. Relax lang kasi, Shay. Nililibre ka na nga ng sosyaling pagkain, magagalit ka pa.




"Bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ko.


"Ayaw mo ba?"


"Ang mahal kaya dito! Hindi naman ako maselan pagdating sa pagkain."


Seryoso siyang napatingin sa akin. "I wanted to bring you here. Besides, ako naman yung magbabayad eh."




May pa-English sentence pa siya ah. Bagay naman sa kanya pero nakakairita. Saan ba pinaglihi tong si boy Japan at sobrang gulo ng takbo ng isip niya. Minsan, masungit siya sa akin. Minsan naman, ang bait niya. Papalit-palit ng ugali, tsk!



Matagal din bago i-serve yung pagkain. Dapat kasi sa fast food na lang eh. Mabilis na, mura pa. Eh dito, mahal na, mabagal at hindi pa natin alam kung masarap pa yung pagkain.Pero diba nga, libre lang to kaya lulubisin ko na.

Fine dining dito pero parang ako lang yung naka t-shirt at shorts. Halos lahat kasi ng nakapaligid sa amin, pormal kung manamit. Kanina ngang pagpasok namin, biglang nagtinginan yung mga tao samin ni boy Japan. Ang judgemental nila ah. Porket ganito yung itsura ko.



Dumating na rin ang pagkain kaya nagsimula na rin kaming kumain. Hindi ko na ikukwento lahat nung nangyari noong kumakain kami, kasi ang totoo, tahimik lang kami parehas. Nakarating na kami pabalik sa bahay. Pinag-buksan niya ako ng pinto. Noong binuksan ko na ang gate, bigla na lang niya akong tinawag.




"Shay," tawag niya.


Lumingon ako sa kanya. "Bakit?"




Lumapit siya sa akin kaya't napa-atras ako. Nagulat naman kasi ako sa ginawa niya. Lumapit uli siya kaya napa-atras nanaman ako. Dahil dun, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para hindi ako makagalaw.




"Pwede bang manligaw?" tanong niya.




Napanganga ako sa tanong niya. Seryoso ba siya. Mukha naman siyang seryoso pero kahit na!




"Eh kakikilala lang naman natin sa isa't isa ah. At isa pa, yamot ako sayo."

"Hindi naman nasusukat sa oras at panahon ang lahat. Kahit na sandali pa lang tayong nagkakilala, hindi yun problema sa akin. I wanted to know more about you. Hindi ko naman pipilitin na sagutim mo ako kasi alam ko naman na high-blood ka sa akin pero just let me try."




Natulala na lang ako sa sinabi niya. Gusto kong sapakin itong si boy Japan kasi kung anu-ano na lang yung mga bagay na lumalabas sa bibig niya. Hindi ko naman kayang maging pilosopa kasi wala namang boses na lumalabas sa bibig ko.




"Silence means yes?" tanong niya pero hindi pa rin ako makapag-salita.


"Masyado yatang napa-aga yung panliligaw ko pero I'll take that as a yes."




Pumasok na siya sa kotse niya at nag-drive papalayo. Naiwan naman akong tulala pa rin. Tae, may manliligaw na ako?!

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon