twentieth. // Risk It All
Shay's POV
"Salamat po!" sabi namin ni Tala at bumaba na ng stage.
Kakatapos lang namin mag-perform ni Tala at mukha namang gustong-gusto nila yung performance namin dahil imbes na isa lang ang dapat naming kakantahin ay nadagdagan pa yun ng tatlong kanta. Feeling ko talaga, sikat na kami! Char. Pumunta na lang kami sa grupo nina mommy at daddy. Binati naman nila kami ng congratulations dahil ag galing daw namin ni Tala. Sus! Ang tagal na naming alam yun ni Tala.
Sa tatlong araw na yun, hindi namin nakakausap o nakikita man lang sina boy Japan, Kyle at Prince. Ewan ko ba kung ano na yung nangyari sa tatlong yun. Sinong manliligaw kaya ang hindi nagpaparamdam sa nililigawan niya? Edi si Hiroshi Ezekiel Mendoza a.k.a Boy Japan lang naman!
"And now, taking over the stage is a newly formed band that will surely capture your hearts in a millisecond," pag-announce ng emcee. "Give it up for Elite!"
Nag-dim ang lights. Nag-bukas ang isang spotlight. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita na si Kuya Cyrus na nasa likod ng drums. Si Prince naman, naka-tayo habang may hawak-hawak na electric guitar.
"Ma, Pa, alam mo ba ang tungkol dito?" tanong ko.
"Hindi nga eh," sabi ni papa.
Biglang may lumabas na lalaki at nag-simulang kumanta. Si Kyle pala yun.
♪Handa ka na bang maging aking sinisinta
Pasensya ka na, parang tripo ngayong ibigin ka
Wag kang mag-alala, di naman ako manloloko
Gusto ko lang ay yung maso-solo kita.
Napanganga naman ng husto si Tala na ngayon ay katabi ko. Unexpected talaga na kumakanta siya ngayon kasi nung bata pa kami, ni-Bahay Kubo, di namin narinig na kinanta niya.
♪Mamili ka na lang sa dalawa
Mahalin mo ako o mamahalin kita
Hindi ka pa ba nakakahalata
Sa akin wala kang kawala, kaya
BINABASA MO ANG
Summer Tale
Fanfiction"Love is a bitter sweet journey. There is always that one person who'll be hurt during the process." Shay Avanzado. Pilosopa. Laging high-blood pero mabait na kaibigan at pinsan. Gusto lang niya ng mapayapang summer pero isang gabi, nakabunggo niya...