fifteenth. // Unwanted Bwisitor

295 29 0
                                    

fifteenth. // Unwanted Bwisitor







Tala's POV




Habang tumatagal, lalo kaming nagiging close ni Kyle. Lagi siyang nandito sa bahay namin. Magkababata kami pero simula nung nagka-gusto ako sa kanya, parang feeling ko, lumalayo na yung kalooban ko sa kanya. Pero kahit ganun pa man, ang importante ay bumabalik na ang dati naming samahan.



Sobrang dami nang nangyari sa buhay naming lahat noong nagsimula itong summer na to. Hindi ko nga kayang isipin na nangyayari na talaga ito. Katulad na lang doon sa nangyari kay tito. Nakulong siya sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa. Sabay na nun ay ang pagsasara ng resort at hotel namin. Tapos eto kami ngayon, nagtatrabaho.



Nanonood kami ngayon nina Shay, ni Tita, ni Kyle, Hiroshi, Kuya Cyrus at ni Prince sa sala. Sabado naman ngayon at kagagaling lang namin sa trabaho. Magpupuyat daw kami dahil wala kaming trabaho bukas. Nakakainis nga kasi imbis na makatulog na ng matagal, magpupuyat pa kami.



Nasa kalagitnaan na kami ng panonood ng movie nang biglang may bumusina sa may tapat ng bahay namin. Since tamad na ang mga kasama ko, wala akong choice kundi labasan kung sino man ang bumubusina sa labas.





"M-Maureen?"


"Oh. Hello Tala. Nandyan ba si Kyle?" mataray niyang tanong.


"Bakit?"


Mukha naman siyang naiinis. "For heaven's sake! Do you really need to ask tons of questions?"


"Pwede bang tayo muna ang mag-usap ng masinsinan?"


"Ugh. Sure, as if I have any choice."




Kahit ayaw ko siyang kausapin, pinilit ko pa rin ang sarili ko.




"Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng to?" tanong ko.


"Like what? Be specific."


"Ikaw ba ang nagpakulong kay Tito?"


Natawa naman siya sa sinabi ko. "It's so pathetic of you to think of that. I ain't that bad to do such things. I would never do that because of a boy. That is just so cheap."


"Eh kung hindi ikaw ang may gawa nun, eh para saan pa yung pagbabanta mo?"


"I just did that para layuan mo si Kyle. Walang nang sense ang kalabanin ka kung ngayon pa lang, alam ko nang wala ka nang kalaban-laban."




Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Medyo na-offend naman ako. Wala talagang kalabang-laban? Seryoso?!




"Puro ikaw na lang kasi ang pinag-uusapan namin sa school. He always talks about how you and him became friends, how your eyes shine when you look at the stars, he even asked me to help him think of something that will surprise you. Everyday, puro na lang Tala ang bukambibig niya. He told me that hindi niya masabi ang feelings niya for you dahil natatakot siya sa consequences. He really likes you and it hurts for me dahil gusto ko siya. I tried to scare you so you wouldn't dare go near him. Alam kong umiiwas ka sa kanya pero he keeps on finding ways para mapalapit pa rin sa iyo. Then I just knew that he didn't just like you, he loves you." sabi niya. Tuluyan naman akong na-speechless sa confession niya.


"Ugh. Pumunta ako sa bahay nina Kyle para magpaalam kasi babalik na ako sa Manila pero ang sabi ng mommy niya, nandito raw siya. So, can you call him na? My driver -slash- daddy is naiinip na eh. Kaya kung ako sa iyo, you better call him na."




Wala akong choice kundi tawagin si Kyle sa loob. Sa sobrang gulat ko, na-speechless ako kaya hanggang sa kinabukasan, hindi ako makapag-salita. Tulala lang ako sa bintana namin. Sa sala kasi kami natulog, maliban lang siguro sa akin na buong gabi nakatulala.



Gusto ako ni Kyle. GUSTO AKO NI KYLE! Hindi ako makapaniwala! Dapat ba akong maniwala? Siguro naman, kailangan kong maniwala kasi hindi naman sasabihin ni Maureen yung ganung bagay kung hindi naman totoo diba? DIBA?

Tiningnan ko na lang si Kyle na natutulog sa kabilang parte ng paglaki-laki naming kutson. Kyle? Paano mo ba nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko kahit tulog ka? Hay! Pag-ibig nga naman.

Summer TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon