I'm Okay

9 1 0
                                    

Zion's POV

Tanghali na akong gumising at agad akong naligo at nagbihis para bibili ng gift para sa mommy ni Jheyd. Pagpasok ko palang sa mall, naisipan ko na agad ang iregalo ko sa mama ni Jheyd na magbigay nalang ng diamond earrings. Habang namimili ako, nagpop-up yung mukha ni Kyzea sa isip ko, yung mukha nyang nagsisinungaling sya sa mommy ko tungkol sa regalo na ibibigay nya sa mommy ni Jheyd, so naisipan ko na I will add her in my fb account then send her a message request. When I opened my fb account nakita ko agad sa notification, ang daming nagfriend request sa akin at nangunguna si Kyzea, so I clicked the confirm button sa request ni Kyzea. Nabasa ko rin ang message nya na nagsusungit na nagpapasalamat.

"Salamat hah! Salamat sa lahat ng kahihiyan na dinala mo sa aking buhay!"

Then I replied "Hoy boba! Wag ka nalang magthank you kung ang budhi mo naman mas maitim pa sa kili-kili mo!"

Then nagtanong din ako sa kanya tungkol sa invitation ni Jheyd sa kanya "Kyzea tell mo honestly, did Jheyd invited you na?"

Sa katitingin bg cellphone ko dahil sa paghihintay sa reply ni Kyzea, ang sales lady naman ay nagrereklamo
"Sir! Bibili po ba kayo o hindi? Kasi kung uutang ka, hindi pwede dito".

"Kita mo di ba na may kachat pa ako? Kahit bilhin ko pa lahat yan, makakabayad ako. Bibilhin ko nalang yung pinakamahal na earrings dito, MISS!" Pagsusungit ko din sa kanya.

Pagkatapos kong bumili dumiritso agad ako sa cafe ni Jheyd.

"Hey bro! Ang ganda ng suot mo ngayon ahh, para kang master chef. Para sa mommy mo ba yang binibake mo na cake?" Seryoso kong sinabi sa kanya at bigla kung sinira yung cake.

"Ba't sinira mo, bro? Ikaw talaga Zion, sayang ang pinaghirapan ko". Galit na nanghihinayang si Jheyd.

"Eh kasi naman, yang ginawa mong cake ay  hindi yan magugustuhan ng mommy mo. Di pa sya 50 years old na bigyan mo sya ng golden yellow cake. Gumawa ka nalang ulit".

"Oo nga po sir". Seryoso naman na pagkasabi sa assistant ni Jheyd.

"Ba't ngayon mo lang sinabi!"napagalitan tuloy ni Jheyd si Mr.Assistant na si Mr. Venjie

"Eh kasi po sir". Sasagot sana si Mr. Venjie pero di ko sya pinatuloy sa pagsasalita "Pssshhh! wag ka nalang magsalita dyan, baka ano pa ang mangyari sayo!"natatawa na sinabi ko kay Mr.Venjie.

Biglang nagring ang notification bell ng phone ko ,at ang nakikita ko sa notification box ay ang reply message ni Kyzea "Hoy baklang kalye! Sa totoo lang hindi nya pa ako inimbita, di nalang ako aasa pero don't worry, okay lang naman sa akin na hindi ako invited sa birthday ng mommy nya, baka kasi di ako gusto ng mommy ni Jheyd. Wag mo itong isabi kay Jheyd hah baka di magustuhan nya. Inuulit ko, don't worry okay lang talaga ako".

Hindi ko talaga napigilan na maawa kay Kyzea dahil lahat ng friends at classmates ni Jheyd is invited pero bakit mismo Gf nya ay hindi invited. Itanong ko sana si Jheyd na bakit di nya inimbita si Kyzea pero di ko nalang sinubukan kasi may naisipan akong plano at kasama sina Jhon sa plano ko.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon