I'm Fall'n

13 1 0
                                    

Zion's PoV

Parang totoo na talaga ang pag iinarte ni kyzea at nag-alala ako para sa kanya kaya nilapitan ko sya.

"sorry na! Kz sorry na! San ba ang masakit?"—nag alala na nagtanong kay kyzea .

"boyfriend lang ang pwede tumawag sa akin na Kz!"—nagawa pa nyang magsungit kahit  naiiyak na, maldita talaga ng babaeng to.

"hala! Meron ka bang boyfriend?"—sabay tanong nina Azzirk at Zilea.

"Chee!"—pagsusungit ni Kyzea habang napasigaw sya dahil sa sakit, totoo pala ang kanyang pag iinarte.

"Zion! Di ba alam mo kung paano ito masahiin? subukan mo kaya yung ginawa mo kay Samantha.." —seryosong sinabi ni Jhon tas napahinto sya sa pagsasalita nang nabanggit nya ang pangalang Samantha, she is my ex. Natulala tuloy ako dahil naiisip ko ang mga masayang pangyayari na nasa Texas kami, nagrock  climbing kaming lima kasama si Samantha, nang umakyat kaming lima sa malaking bato para magpipicture tas si Samantha di ko pinayagan kasi delikado para sa kanya pero  nagpupumilit sya kaya pinayagan ko sya at nang nagpipicture kami nadulas sya at nahulog at ang balikat nya ang naaapektuhan, umiyak na sya dahil sa sakit at di ko alam kung ano ang gagawin, patay ako sa daddy nya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at buti nalang di sya nabalian ng buto kaya narerelax ako konti, minasahi ko sya sa balikat at buti nalang tama ang ginawa ko, nawala ang sakit ng kanyang balikat.

"hoy! Zion! Anyare?"—sigaw ni Zilea sa akin kaya nagising ako sa pagiging tulala tas tahimik at wala akong kibo na minamasahi  ang balikat ni Kyzea  at buti naging okay ang balikat nya.

"okay na ba?"—seryoso kong tanong kay Kyzea.

"Okay na, di na masyadong masakit."—sagot nya sa akin tas agad akong umalis.

"salamat nga pala Zion! Sorry din!"—sigaw ni kyzea sa akin habang papaalis ako tas sumunod si Jhon sa akin.

"Samantha na naman ang iniisip mo, just move on, alam ko naman na di mo na sya mahal pero yung takot mo na baka iwan ka ulit, nandyan pa rin, di naman lahat nang iiwan, we are always here for you Zion so stop thinking about her, di sya kawalan"—seryosong sinabi ni Jhon sa akin.

"just change the topic!"—nakasmile ako na sinabi ko sa kanya.

"tara na, puntahan na natin sila."— seryosong sinabi ni Jhon habang umaakbay sa akin.

Kyzea's PoV

"Azzirk! Zilea! Anong tingin nyo kanina? Masakit ba ang pagkasuntok ko kay Zion? Nakokonsensya na talaga ako."— seryoso kong pagtanong sa kanila.

"ewan namin! Kami ba ang sinuntok mo? Tara na uwi na tayo"—seryosong sinabi ni Zilea sa akin.

"ihatid  ko na kayo!"—seryosong sinabi ni Azzirk.

"ohh yeaahh!"—masayang pagkasabi ni Zilea

"mauna nalang kayo."—seryoso kong sinabi sa kanya.

"at bakit naman?"—sabay na nagtatanong sa akin.

"susunduin ako ni mama."— sagot ko sa kanila.

"sure ka? Mama mo o yung imaginary boyfriend mo?"—pataray na sinabi ni Azzirk sa akin.

"totoo kaya yung boyfriend ko, di nyo lang alam kasi late kayo!"—pataray ko din silang sinagot.

"sure ka?"—tanong ni Azzirk sa akin.

"Oo"

"tara na nga Zilea baka napapraning lang sya!"— natatawa na sinabi ni Azzirk.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon