Is it me or him?

10 3 0
                                    

Kyzea's PoV

Naglalakad ako in the hallway papuntang classroom  habang ang lahat ng schoolmate ko ay nakatingin sa'kin at tinatawanan na parang may nagawa akong kahihiyan. Nang pumasok ako ng classroom, napakatahimik ng mga kaklase ko na habang tinititigan ako tas hindi ako pinansin nina Azzirk at Zilea ganun din nina Jhon at Zion. Biglang may dumating na guro na may kasamang pulis, yung pulis na humabol sa akin tas ang mga cashier ng convenience store, nagulat ako at nangingnig dahil sa kaba.

"sya po ang nagpapanggap kagabi"—sabi ng isang cashier habang tinuturo ako.

Tatakbo sana ako pero hinarangan ako ng walang hiyang Zion kaya pinusasan ako tas dinala sa kulungan tas biglang nagflash ang maraming camera at naibalita sa tv ang aking ginawa.

"nagbabagang balita, isang estudyante ng Maximino University ay hinahatulan ng pinakamabigat na parusa  panghabang buhay na pagkabilanggo at multang isang daang milyong piso"—isang reporter sa television.

"Hindiiiiiiiiiiiiiiiii"—grabeng sigaw ko.

"anong hindi?! gumising ka na nga, tanghali na, bumangon ka na dyan baka malalate ka na naman" —ginising ako ni mama kaya bigla akong nagising, hinihingal talaga ako sa sobrang kaba akala ko totoo, panaginip lang pala.

"ma! di po ako papasok ngayon! Sorry po talaga di kaya ng katawan ko na pumasok ngayon!—pakiusap ko kay mama habang hinihingal ako.

"wag na wag mo akong galitin dahil baka ako ang magdala sayo"—pananakot ni mama sa'kin.

"saan mo! mo! po ko ako dalhin ma? — kinakabahan na nagtatanong kay mama.

"sa banyo! Ako ang magpaligo sayo, tas ipapaligo ko sayo yung kumukulong tubig"—galit na sinabi ni mama sa'kin

"akala ko kasi dalhin mo ako sa presinto"—sagot ko kay mama.

"dalhin nga kita don! pag di ka pa bumangon dyan!"—galit na sinabi ni mama sa'kin.

"okay po! okay! Haaaaahhhhhhhh kainis ka ma!"—sigaw ko kay mama habang bumabangon ako.

Nakapasok talaga ako sa eskwela di nadala si mama sa aking pakikiusap, hinatid pa nya ako, nalilito na ako kay mama dahil kung gusto kong pumasok sa klase di ako ihahatid tas pag di ko gusto ihahatid ako, ano kaya ang laman ng utak ni mama?!

"ma di na muna ako papasok sa klase bukas nalang pleaseee ma!"—pakiusap ko kay mama habang nasa sasakyan pa ako na nakaparada sa harap ng gate ng school namin.

"bababa ka dyan o kalagkarin kita papunta sa classroom mo, gusto mo ba yun?!—pananakot ulit ni mama.

"eh kalagkarin mo ako, total ikaw rin lang naman ang mawalan ng dignidad ng pagkaina mo!"—sagot ko kay mama .

"dignidad pala ng pagkaina hah!"—galit nyang sinabi sa'kin habang bumaba sya ng kotse tas papunta  sya sa'kin para pababain nya ako pero dumaan ako sa kabilang pintuan ng kotse tas tumakbo patungo sa gate ng campus namin.

"annyeong nae eomeoni!.(goodbye my mother!) naneun neoleul neomu salanghae eomeonineun haluleul jeulgyeo (i love you so much mother, enjoy your day!)."—sumigaw ako kay mama na nagkokorean language habang nasa campus gate na ako.

"nado salanghae nae yeoja!(i love you too my girl) josimhae!(be careful)".—sagot din ni mama sa'kin at ningitian nya ako tas pumasok na ako.
Grabe ni mama adik talaga sa korean drama kahit korean language  pinag aralan hahha! pero sa totoo lang parehas kami.

Parang praning akong naglalakad papuntang classroom dahil nakayuko ako tas nagtatago kapag may nakita akong kakilala. Nang pagpasok ko sa classroom napakatahimik nila tas tinititigan nila ako, sobrang kaba ko talaga kasi baka magkatotoo ang aking panaginip. Bigla may humawak sa'kin.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon