What's up bro!

24 4 0
                                    

Zion's PoV

Ang himbing ng tulog ko at biglang may sumira sa mahimbing kong tulog dahil sa ingay , alas syete palang ng umaga «sleep time ko pa yan» napakaingay na parang nasa merkado ako.

"Jhon! gumising ka" tulog ako na nakadinig sa sigaw nina Andrew at Jheyd tas biglang bumukas aking mata at nanlaki dahil sa gulat, kasi akala ko kung ano na ang nangyari kay Jhon. At sa pagdilat ko,nakita ko agad ang aking sarili na nakahiga na ang mukha ay gulat na gulat, at nakita ko din si Tyrhon na ang himbing ng tulog, salamin kasi ang kisame ng banyo «sosyal ng banyo» kaya bumagon ako agad ,at napagtanto na dahil kay Jhon kung bakit sa banyo kami natutulog habang sya ay nasa kama na natutulog.

"hoy Tyrhon! Gumisang ka nga, meron pa tayong papatayin." ginising ko si Tyrhon habang malakas kong tinatapik ang mukha nya.

"Sinong papatayin?!",gulat na pagkasabi ni Tyrhon habang madali nyang dinilat ang kanyang mga mata tas natulog ulit.

"Bumangon ka na! Di ka ba nandidiri na natutulog sa banyo?!" seryoso kong sinabi sa kanya.

"Ano?!" malakas nyang pagsabi habang madaling bumangon.

Pinuntahan namin silang tatlo doon sa may kama na habang si Jhon ay nagpapanggap na natutulog ,kaya na-isipan namin na kargahin sya tas dalhin sa kusina para sya na ang magluto, parusa namin yan sa kanya, talent kasi ni Jhon na magluto ng sunny side up egg. Buti nalang sumunod sya sa parusa namin, sumusunod nga! pero sunog naman pagkaluto «excellent jhon» pero kinain pa rin namin kahit bitter sya, yung sunny side up egg pala.

-Kyzea's PoV-

"Ma! Ihatid mo ako sa school,please!!" pakiusap ko kay mama.

"mag jeepney ka nalang" -seryosong sabi ni mama habang seryosong nanonood ng kdrama.

"Ihatid mo na ako! napakatanghali na malalate na ako ma! tas ang traffic pa, sige na ma! Ma! Ma! Ma!", galit kong sinabi kay mama habang umupo ako katabi nya na nakakunot ang noo at inaalog-alog ko ang balikat nya.

"kasal anan ko bang tanghali kana gumising?! Kasal anan ko bang malalate ka sa klase mo?! at kasal anan ko bang traffic? Kasal anan ko ba?" ,galit na sinabi ni mama habang malakas nyang tapik sa kamay ko.

"ahhh! Di ako papasok, uupo lang talaga ako dito! minsan nga lang ako makiusap sa inyo, aayawan nyo pa."- nagpapanggap ako na nagtatampo kaya hindi nya ako natiis at kinuha ang remote control at pinatay ang tv.

"Ang OA! tumayo kana dyan, ihahatid na kita!" -mukhang naaawa si mama sa'kin tas ningitian nya ako.

Tumayo ako agad tas niyakap ko sya nang mahigpit sabay sa pagsabi na "I love you ma, thank you at sorry din" tas hinalikan ko sa mukha si mama pero itong si mama, pinahiran nya ang kanyang mukhang hinalikan ko gamit ang kamay nya tas inamoy at sinabing "Ang baho ng laway mo!"

"Oo nga noh, di pa pala ako nakapagtooth brush" . Inaamoy-amoy ko pa tas pumunta sa banyo at nagtooth brush habang naiinip si mama sa kahihintay.

Galing talaga magmaneho ni mama parang jeepney driver sa fuente.

"thank you ma! bye ma, ingat!" Habang nagmamano kay mama.

"ingat ka din anak! " Sagot ni mama sa akin.

Dumiritso agad ako sa canteen at bumili ng burger at milk tea tas dinala ko nalang sa classroom namin kasi nalalate na ako ng fifteen minutes.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon