Insanity of you

17 3 0
                                    

Kyzea's PoV

Kinakausap ko ang sarili habang sumasakay ng taxi papauwi.

"Nakakahiya ka Kyzea!.. napapraning ka na ba! na turn off na si Jheyd sa'kin!..Eh di nga ka nya gusto! di man lang nya ako ipinagtanggol kanina, parang bata takot sa mama, takot na mapaluan!.. may gusto ba si Zion sa'kin? andito na naman ako sa puntong pagiging assumera ko! Eh bat ipinagtanggol nya ako kanina? Lagi din nya akong binubully, totoo ba kaya yung the more you hate the more you love?..eww! Say no to Zion!"-napapraning na kumausap sa sarili ko.

" miss! Okay ka lang ba? Saan nga ba ang bahay nyo?"-tanong ng taxi driver habang ako ay kumausap sa sarili.

"hoy miss! Saan ba ang bahay mo?"-nagtanong ulit si taxi driver at binabalewala ko parin sya, nagalit tuloy si taxi driver biglang hininto ang sasakyan kaya muntik nalang akong mauntog.

"dito nalang po ako"-bigla ko ding sagot sa kanya

"ano? Dyan ka nakatira sa convenience store"-taxi driver, napapraning yata tong driver nato.

"sabi ko,dito nalang po ako "-sagot ko sa taxi driver, (plano ko naman na uminom)

"sure ka miss? binilin kasi ako ng jowa mo na ihatid kita sa bahay nyo"-seryosong tanong ni taxi driver.

"di ko yun jowa noh! May gusto lang yun sa'kin"-(hahaha! Assumera ko talaga)

Pumunta ako sa convenience store at bumili ng beer pero di ako pinayagan na bumili kasi ang bata ko pa daw, nineteen na kaya ako.

"sir! totoo talaga na 19 na ako!"-paliwanag ko.

"bear brand nalang ang bilhin mo miss!"-pambibiro ng isang cashier.

"bahala nga kayo dyan!"sagot ko sa kanya habang tinatawanan ako ng mga kasama nila tas bigla akong may naiisip na naman.

"Ganito ba tratuhin nyo ang aming costumer? Nakakilala ba kayo kung sino ang amo nyo? Nakikita nyo ba ang nagmamay ari nito? Ako lang naman ang anak ng nagmamay ari nito, nagpapanggap ako na costumer para malaman ko ang totoong pagtrato nyo sa aming costumer at sa nakikita ko wala kayong galang ni hindi nyo pinakinggan ang paliwanag ko! Kung hindi nyo ako paniwalaan tatawagan ko si Mommy!"-galit na sinabin sa kanila.(hahhah! Ang galing ko talagang umarte, napaniwala sila sa'kin.)

"parang totoo ang sinabi nya! tiningnan nyo ang uniform nya galing sya sa pangmayaman na paaralan yung Maximino University"-pabulong ng isang cashier sa mga kasama nya (hahaha!nadala dahil sa uniform ko ang tanga talaga)

"sorry po maam"-sinabi nila sa'kin habang nanginginig .

"sa susunod ayusin nyo ang sarili nyo, igalang nyo ang mga costumer kahit bata pa man yan! And for your information babyface lang talaga ako!"-pataray na sinabi sa kanila.

Galing ko talagang umarte, yan tuloy nakabili ako at nakaubos ng tatlong bote ng beer. Habang ako ay umiinom naalala ko sina mama, di nila alam kung saan ako, may 20 missed call na at ganun din sina papa at kuya «ang mga bobo pa nga nila sabay silang tumawag sa'kin paano ako nila makokontak», napag isipan ko nalang na tumawag kay papa dahil takot ako sa mama ko , sesermonan nya lang ako.

"hello po pa! saan po kayo?-tanong ko ni papa (on call)

"ikaw ang saan?, anong oras na mag-aalas unsi na ?-galit na sumagot si papa.

"nasa phone mo ako pa at alam ko din na mag-aalas onsi na kasi sabi mo"-biro ko kay papa.

"nasaan si mama pa?"mahinahon kong tanong kay papa

"nasa atin, nandito pa kasi ako sa hospital, nasan ka ba?"-pagsusungit na sumagot ni papa.

"okay po !bye!"-binabaan ko sya ng sellphone (ang sama ko talagang anak).

Dali dali kong inubos ang beer tas pumunta kay papa sa hospital at nang papaalis na ako may biglang tumawag sa'kin tas paglingon ko

"ay pulis"-tumakbo ako agad tas hinabol nila ako buti nalang ang bilis kong tumakbo di nila ako naabutan, nalaman kasi nila na nagpapanggap lang ako na anak ng may ari sa convenience store,
Natatawa ako sa mga pangyayari habang naglalakad papuntang hospital, malapit na lang kasi ang ospital na tinatrabahoan ni papa.
Nang nakarating na ako sa ospital at nasa labas na ako ng office ni papa tinawagan ko si papa para makapasok ako at dali dali syang lumabas.

"hoy Kyzea! bakit di ka umuwi agad"-galit na sinabi ni papa sa'kin habang binuksan pa lang nya ang pintuan.

"papa,huhuhu! papa"-umaarte na naman ako na umiiyak tas niyakap ko pa si papa para di ako mapagalitan.

"ano bang nangyari sayo?"nag alala na nagtatanong sa'kin.

"may humabol kasi sa'kin na hindi ko kilala"-(nagsisinungaling na naman at nagpapanggap na kawawa para di mapagalitan). Di talaga ako napagalitan, galing kong umarte talaga.

Zion's PoV

Nang matapos kaming kumain kasama sa Mommy ni Jheyd dumiritso ako sa hospital para dalawin ang kapatid ko na nagkasakit, taas lang ang lagnat.(sya si Zian ang kapatid ko na 13 years old, sya ay pinakasweet na kapatid at pinakamahal ko na kapatid dahil sya lang ang nag iisa kong kapatid ,haha!) Pagdating ko sa ospital di pa natutulog ang kapatid nakita ko syang umiyak.

"bakit ka umiiyak?-tanong ko sa kanya.

"papuntahin mo na sina Daddy at Mommy dito."-pakiusap nya sa'kin

"Zian nagtatarabaho pa sila at tsaka si Daddy nasa California pa , inasikaso nila ang negosyo."-paliwanag ko sa kanya.

"kahit na kuya! sige na tawagan mo na"-nagalit tuloy sya.

"sige po madam!"

Tinawagan ko si papa at sinabi ko tungkol kay Zian at pumayag naman si papa na pumunta dito sa Pinas, si daddy kasi ay isang ama na mabait pagdating sa kanyang mga anak, binibigay nya lahat ng gusto namin materyal man o hindi, sinusuportahan nya kami, at si mommy naman ay sumusuporta kay Daddy kung ano ang gusto nya para sa amin, sila yung magulang na kaya ibigay ang lahat at di sila ang dumidisesyon para sa amin ng kapatid ko kaya mahala na mahal ko silang dalawa.

Nang matapos kong tinawagan si daddy lumabas ako at bumili ng food at water, sa paglabas ko nakita ko si Kyzea na may kayakap na doctor at nagulat ako, tinignan ko lang sila habang nakatago.

"grabe tong Kyzea na to, kahit matanda pinapatulan! Lakas ng sugar daddy nya, isang doctor pa talaga!"-kinausap ko ang sarili habang tinitignan sila tas kinunan ko sila ng picture.

"pumasok pa sya kasama yung sugar daddy nya, ano kaya ang gagawin nila?"-pabulong kong sinabi sa sarili «lumabas ang pagiging dirty minded ko».
"Humanda sya bukas, pinaglaruan lang pala nya si Jheyd! pumapatol sya kay Jheyd dahil alam nya na mayaman si Jheyd, di mo kami maloloko Kyzea"-galit na kumausap sa sarili.

Now And Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon