Jheyd's PoV
Nagulat talaga ako sa ginawa ni Kyzea na nanligaw sa'kin, di ko talaga alam kung ano ang gagawin dahil may tumatakbo sa aking isip kaya di ko sya sinagot na Oo kahit gusto ko.
"Hahaha! Buti nalang inisip mo ang dignidad ng pagkagwapo mo, ewan ko nalang kung maging kayo ni Zea!"- pambibiro sa'kin ni Zion.
"Nagseselos ka ba?"-seryosong pambibiro ko kay Zion.
"Ano? Selos? Di noh! Di ko sya talaga type binubully ko lang sya kasi ang boba eh, madaling mapikon, tas ganito talaga ako di ba? lakas makabully sa iba." seryosong sagot ni Zion sa'kin habang kumakain ng Chocolate na binigay ni Kyzea sa kanya.
"Sayang Jheyd! Bat di mo sya sinagot?, para may jowa ka na!" Seryoso na sinabi ni Andrew.
"Bakla ang gusto mo noh?" Pambibiro ni Zion sa akin habang inakbayan nya ako.
"Hoy Zion! di ba ikaw yung chismosang bakla? Bahala nga kayo dyan!"-seryosong pambibiro ko sa kanila habang inalis ko ang kamay ni Zion tas iniwan ko sila.
Habang naglalakad ako at hindi alam kung saan pupunta, meron talagang tumatakbo sa'king isip na tungkol kay Kyzea at Jhon. I can sense that Jhon likes Kyzea and I don't want him to be hurt just because I am with the girl he loves. He's just like my twin brother. Si Jhon kasi isa syang kaibigan na handang magsakripisyo para sa'min, handa nyang ilihim ang tunay nyang nararamdaman para di kami masaktan.
Habang ako ay naglalakad bigla kong nakita si Kyzea sa malayong distansya tas ang pawis na pawis nya at hinihingal kaya naisipan ko na puntahan sya at bigyan ng panyo, pero huminto ako bigla at di ko maintindihan ang nararamdaman ko kasi biglang lumapit si Jhon sa kanya tas binigyan sya ng tubig, habang nakatingin sa kanila di ko namalayan na ang dalawang paa ko ay naglalakad papunta sa kanila tas bigla kong kinuha ang tubig na kanyang iinumin na bigay kay Jhon at inubos ko lahat, habang ako ay umiinom ng tubig nakatulala si Kyzea na nakatingin sa'kin habang si Jhon ay nanlaki ang mata dahil sa gulat.
"Hoy!bat ininom mo yung tubig ko?" galit na nagtatanong si Kyzea.
"Di ba kay Jhon to? So hindi ito sa iyo!" sagot ko sa kanya tas binigay ko ang bottle ng tubig na wala ng laman.
"Anong gagawin ko sa botelyang ito?" Taray nyang tanong sa'kin.
"Eh di kainin, kung gusto mo! So simple!" pataray kong sagot sa kanya tas umalis, habang nakatalikod na ako sa kanila bigla lang nagpiggy back sa'kin si Kyzea tas tinakipan ang mata ko sa kanyang dalawang kamay.
"Akala mo kung sino ka! Crush lang kita di kita love, kaya wag mo akong ganyanin! Kagwapuhan lang ang sayo pero wala ka namang kwenta!" galit nyang sabi sa'kin habang nakapiggy back sa'kin at habang pilit ko syang pababain.
"Jhon! tulungan mo ako na pababain ang chanak na to!" seryoso kong pakiusap kay Jhon.
"Bahala kayo dyan!" sagot ni Jhon sa'kin habang tumatawa na umalis.
"Jhon! jhon! Jhon!" paulit ulit kong tawag kay Jhon pero di talaga ako pinakinggan .
"Hahaha! duwag ka pala pag wala na ang kaibigan mo!" seryosong pambibiro ni Kyzea sa'kin.
"Bababa ka o ako ang magpababa sayo? Alam mo na mas malakas ako sayo at kaya kitang itapon!" galit kong sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Now And Tomorrow With You
RomanceA crazy love story between Zion Leonard Eamiguel and Kyzea Lency Gabiana. Zion is came from Carnegie Vangaurd High School in the USA, and after he graduated from high school, he returned to the Philippines together with his buddies and studied busin...