Kyzea's PoV
"hoy! Gumising ka na, gising Kyzea!hoy! hoy!"—ginising ako ni mama na sumisigaw habang kinuha nya ang kumot at unan ko tas malakas na tinatapik nya ako.
"ma! Bakit? Inaantok pa ako."—pagod na sumagot kay mama.
"anong bakit? Dapat kang pumasok sa school ngayon, absent ka kahapon! Magbihis ka na kasi tanghali na"—pagsusungit ni mama sa akin.
"aray ma! Sakit ng ulo ko!"—reklamo ko kay mama.
" edi iuntog mo yang ulo mo! Sino ba ang nagsabi na umiinom ka ng marami ni hindi mo pala kaya"—pagsusungit din mama sa akin.
"grabe ka naman ma! sakit nga ng ulo ko pinapagalitan mo pa ako!"—sagot ko din sa kanya.
"ahh basta bumangon ka na para magbihis tas dapat kang pumasok sa school, gisingin mo na ang kuya mo"—seryoso nyang sinabi sa akin.
"di ba pumasok na si kuya sa school? sakit pa ng ulo ko!"—reklamo ko din sa kanya.
"di ba inutos ko sayo na gisingin sya so andito pa sya! sabay na kayong dalawa pumasok, nakakasakit kayo sa ulo ng kuya mo sa akin! Stress na stress na talaga ako sa inyo! Bumangon ka na dyan, uno! Dos!"—seryosong sinabi ni mama sa akin.
"okay! Okay! sorry ma! Sorry na ma hah? May pabilang bilang ka pa dyan di naman to paunahan"—sagot ko din kay mama habang bumabangon ako tas pinuntahan ko nalang si kuya para gisingin tas pagdating ko nakabukot si kuya sa ilalim ng kumot.
"hoy kuya! gising! Hoy Khein gising, bahala ka nga dyan!"—galit na ginising sya habang nakatayo lang ako na inaantok tas di sya talaga nagising kaya lumabas nalang ako sa kwarto nya at nang nasa may pintuan ako ng kwarto nya biglang may naisip akong maganda.
"hahaha! good idea!"—natatawa na sinabi ko sa sarili tas bumalik sa loob ng kwarto ni kuya at nilock ko ang pinto tas tumabi kay kuya at natulog ulit.
Mama Kiarra's PoV
Ang hindi alam ni Kyzea na pinaprank ko lang pala sya para makatabi nya si Jheyd, ang akala kasi nya na si Khein ang natutulog. Pinabayaan ko nalang ang dalawa na matulog kasi alam kung pagod na pagod sila sa party, boto ako kay Jheyd dahil ramdam ko na gusto nya talaga ang anak ko tas ramdam ko din na gusto din sya sa anak ko, susuportahan ko nalang silang dalawa kagaya ng ibang kdrama na pinanood ko, nakakakilig!
Kyzea's PoV
Nagising ako dahil sa gutom, di kasi ako kumakain simula kaninang umaga. Pagkagising ko nanlaki bigla ang mata ko dahil sa gulat kasi katabi ko na si Jheyd na nakayakap sa akin kaya pumikit ako ulit baka panaginip lang tas binuksan ko ulit ang mga mata ko ,sya pa rin talaga kaya tinapik ko ang mukha ko para malaman ko kung panaginip ba o hindi pero ganun parin talaga kaya pinisil ko ang kanyang mukha at bigla nya akong niyakap ng mahigpit yung di na ako makagalaw and suddenly he kissed me on my forehead tas sa ilong din, di ako nakapagsalita at nakagalaw dahil sa kanyang ginawa, biglang nagslowmotion yung paligid, yung feelings na ligaw tingin ka sa una pero ngayon kayakap at katabi mo na ang taong pinapangarap mo tas bigla rin nyang sinira ang moment ko.
"ang oily naman ng face mo! Haha! Joke lang."—pambibiro nya sa akin habang nakayakap pa rin sya sa akin di nya talaga aki binitawan.
"wow! Sino bang may sabi na halikan mo ako ni hindi ko nga alam na katabi katabi kita, ang oily kaya din ng mukha mo!"—pataray na sinabi ko sa kanya.
Jheyd's PoV
Nagising talaga ako nang tinawag nya ako na kuya kaya di ko sya pinakinggan tas maya-maya bigla syang tumabi sa akin tas nang nakatulog na sya agad kong pinicturan sya tas niyakap ko sya habang natutulog.
BINABASA MO ANG
Now And Tomorrow With You
Storie d'amoreA crazy love story between Zion Leonard Eamiguel and Kyzea Lency Gabiana. Zion is came from Carnegie Vangaurd High School in the USA, and after he graduated from high school, he returned to the Philippines together with his buddies and studied busin...