Author: Nakuuuuu jusq ko kayo hahahaha
Ibang bakbakan yata hanap niyo ih HAHAHAHAH KUMALMA KAYO!
Anyway Happy 2k reads yiiieeeeeee mahar ko kayong lahat especially mga silent readers dyan...
Sorry kung na unpub ko inayos ko lang hehehe
Leni's POV.
"MAMA!!"
"Ay Bonget!!" Napatalon naman ako sa gulat dahil sa biglang pasok ni Tricia sa kuwarto ko.
"Joferlyn! marunong ka sanang kumatok!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Aysus ma! si Tito bonget nanaman ang inyong nabanggit" Asar niya sakin.
"Anong kailangan mong bata ka?" Inis kong tanong. Ngumiti naman siya sakin sabay niyakap ako
Mukhang may kailangan to ah?
"To naman si mama nanlalambing lang eh" Ngiting sabi niya. Niyakap ko naman siya pabalik
"So ano na ma ako na peyborit niyo?" Tricia
"Hindi si Jill pa rin"
"Maaaa naman nanlalambing na nga ako si Jill pa din huhuhu" Tricia
"Ewan ko sayo bata ka hahaha"
Fast forward>>>>
Nasa opisina na ako ngayon at may meeting kaming mga staffs para sa mga susunod na project. Habang nasa meeting bigla naman nag vibrate ung cp ko kaya agad ko tong kinuha.
From: Bongets ko
Hi sa pinaka magandang babae sa buong buhay ko. Musta ka naman mahal? kumain ka na? Huwag mag paka stress ha? masama yan sa kalusugan mo. I love you thousand more
Napangiti naman ako sa text niya sakin, grabe napaka swerte ko at nagkaroon ako nang ganitong klaseng boyfriend.
(a/n: *Nagdabog* *Sinuntok ang unan* SAANG UNIVERSE BA KAYO NAGING KAYO?!!! KINGINA NAMAN OH SANA KAYO NA LANG TALAGA HUHHUHUH)
Tinext ko naman siya pabalik.
To: Bongets ko
Ayos lang naman ako mahal, Ikaw ba? hindi ka din ba nastrestress? Pahinga ka din pa minsan minsan alam kong masyado kang dedicate sa trabaho mo. Huwag mo din kalimutan kumain ha? I love you more
Pagkatapos ko siyang i-text ay nag focus na ako sa meeting. Pero imbes na makapag focus bigla nanaman akong tinext ni Bong, Ano ba yan!
From: Bongets ko
Wag ka mag aalala mahal, kung pagod man ako...makita lang kita, mahalikan lang kita, marinig ko boses mo... mawawala lahat ng pagod ko kasi ikaw ang aking pahinga habang buhay
Muli naman ako napangiti, kung siya lang magiging asawa ko habang buhay. Siguro ako na pinaka maswerteng babae sa buong mundo.
sana....
sana lang talaga walang hadlang samin....
Hindi ko kaya mawala siya....
"mam kanina ka po ngumingiti ka text niyo ba si Sir bong?" Biglang tanong sakin ni Keisha. Napansin kong nakatingin lahat sakin ung mga staffs ko.
"Yiieeee si mam kinikiliiiggg~~"
"Haysus mam respeto naman po sa mga single dito hihihih"
"Oo nga mam"
"Alam niyo mam ang swerte niyo talaga huhuhuh sanaoll na lang sainyo"
BINABASA MO ANG
Our Dangerous Gamble (BongLeni FF)
FanficIf it's for your love, Can you gamble anything even it's dangerous? Can you risk your love as a Senator of the Philippines? Can you risk everything even you're a mafia? Can you Leave anything behind just for your love? Author's Note: Jusq po ginoo...
