Chapter 7

3.7K 114 4
                                    

*Sweetrhylle*

"Huy, hintayin mo 'ko. Saan tayo pupunta?" Nakakabinging sigaw ni Jemaima habang humahabol sakin.

Tapos na kaming kumain kaya sumibat na kami dun at baka makita ko na naman ang hindi kanais-nais na pagmumukha ni Soren.

"Sa impyerno gusto mo sumama?" Sarkastiko kong saad. "Saan nga? Hindi tayo makakapasok dun ano ba? Kailangan muna nating mamatay." Suhestiyon niya.

Inikutan ko siya ng mata.
"Tsk. Sa library muna tayo tumambay. May isang oras pa tayo bago ang susunod na klase." Sabi ko.

Nag cross arms siya. "Library? Bakit dun? Palagi nalang tayong tumatambay dun."

Hinarap ko siya. "Saan mo ba gusto, ha?"

Nag isip siya kahit wala naman siya nun. " Sa Moonshine tayo." Excited niyang ani. Tinaasan ko siya ng kilay. "Moonshine? Gusto mo dun?"

Sunod sunod siyang tumango sabay puppy eyes.

Moonshine ang tawag sa isa tambayan namin dito. Para siyang isang restaurant yun nga lang, drinks at icecream lang ang isiniserve dun. Kapag pumasok ka ay para kang nasa galaxy. Ang ilaw, pader, upuan at lahat ng gamit dun ay hango sa ganun.

Nakakarelax talaga doon. Kadalasan ay doon nag-aaral ang mga estudyante kasi nga maganda yung ambiance pero hindi ganun karami ang pumupunta dahil marami ka namang tamabayan na mapagpipilian. Depende na lang talaga kung saan ka hiyang.

Napadpad na kaming dalawa ni Jemaima dun kaya mukhang okay din. "Sige dun na muna tayo. Mas malapit din yun sa building natin." Sang ayon ko na ikinapalakpak niya.

"Ang boring kasi sa library. Inaantok ako kapag nandun tayo."

"Kelan ka ba hindi inantok? Napakabatugan mo."

"Huyy hindi naman." Tanggi niya. Totoo naman talaga. Kapag wala siyang masabi eh natutulog ang bruha. Nakakatulog kahit na nakaupo.

Alien lang ang nakakagawa nun!

Nag pout pa siya at saka kumapit sa braso ko.

Parang bata talaga. Nagsimula na kaming tumungo doon. Dumaan muna kami sa Engineering Department dahil nasa likod nito ang Moonshine.

Nang makarating ay sinalubong agad kami ng nagkikislapang ilaw pero yung hindi masakit sa mata. May parang kalawakan sa bubong nito at gumagalaw yun.

Nakakamangha parang magic. Kada linggo iba iba ang dinidisplay nila.

"Kahit ilang beses na ako napunta dito. Hindi ko pa rin talaga maiwasang mamangha. Ang ganda kasi. Sino kaya ang nakaisip nito no? Gusto ko siyang yakapin."

Nilingon ko siya habang naghahanap ng mauupuan." Paano kung si Dean ang may pakana nito? Yayakapin mo pa rin?"

Disgusto ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig iyon. "Kung siya lang di naman, huwag na lang. Mahal ko ang buhay ko." Tinawanan ko siya. Halos lahat ng estudyante dito ay takot sa Dean. Mukha kasi siyang mangangain ng estudyante. Matandang binata kasi kaya bugnutin at nakakatakot.

"Dito tayo." Umupo na kaming dalawa nang makahanap ng magandang pwesto. Nasa may dulong bahagi at kitang kita ang labas dahil salamin ang pader. Nakasentro din sa aircon kaya maganda ang pwesto.

Pabalyang umupo si Jemaima at saka bumukaka. "Aray!" Reklamo niya nang sipain ko ang binti niya. "Umayos ka diyan bago kita kaltukan." Banta ko na agad niya namang iniayos ang upo. "Eh bakit ka nanakit?" Inis niyang sumbat.

Pinandilatan ko siya ng mata.
"Wala akong balak makakita ng hindi kaaya aya sa mata. Makulimlim pa naman yan." Tukoy ko sa ano niya. "Huy, hindi ah. Naghihilod ako dito araw-araw no. Grabe ka."

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon