Chapter 31

3.1K 71 1
                                    

*Sweetrylle*

One week. We've been together for a week now. Jemaima and Rezfiere knows about it. They congratulated me especially Jemaima. Rezfiere kinda accept it since he can't do anything to stop me, to stop us.

I won't let someone to.

However, the problem are my parents. They know nothing about it. Although Mom and Dad are not that strict when it comes to me having a relationship.

Hindi naman siguro maging mahirap na sabihin sa kanila ito. Siguro ay maghahanap lang ako ng magandang tyempo para masabi sa kanila.

They tend to encourage and support me to experience it and enjoy it actually as long as I can so that I won't feel left behind or something.

Sadyang ang sarili ko lang talaga ang mismong pumipigil sakin kasi nakikita ko kung gaano kasakit ang magmahal. Hindi mo naman kailangang maranasan para maramdaman at maintindihan.

Kaya naman itinatak ko sa utak ko na ang pagkakaroon ng isang karelasyon ay aksaya lang ng oras at panahon. Wala naman itong patutungahan. Masasaktan ka lang.

Not until, nakilala ko si Soren. Talaga palang darating din ang panahon na kakainin ko ang mga sinabi ko at makakatagpo ako ng isang taong makakapagpabago sa pananaw ko sa buhay at pag-ibig.

I'm just a little bit worried lalo pa at ang unang pagkikita ni Soren at ng parents ko ay hindi masyadong maganda. Naipakilala ko si Soren bilang si Jemaima. Nagsinungaling ako which is hindi talaga maganda. Ano na lang ang iisipin nila. I don't want to put Soren in a difficult situation lalo pa't ako ang may kasalanan.

Sasabihin ko na lang siguro sa parents ko pagdating nila dito galing Japan.

Actually nandito na sila sa Pilipinas ngunit sa susunod na araw pa sila uuwi dito sa bahay.

Kung bakit ay dahil may nag-imbeta daw sa kanila na sosyo sa negosyo at napakaimportante kaya hindi nila pwedeng i cancel.

It's an important dinner daw with a family. Nagrequest pa nga daw yung i memeet nila kung pwede akong dumalo rin pero dahil sa dami ng ginagawa at isa pa napakalayo naman ng pupuntahan dito sa lugar namin para lang makikain ng isang dinner ay tumanggi na lang ako.

Ano naman ang gagawin ko sa dinner na yun?
Wala din naman akong silbi doon.

Gusto ko sanang makasama muna si Soren habang hindi pa dumadating yung mga magulang ko but coincidentally may dinner meeting din daw siya. I know he's busy. Pinagsasabay niya ang trabaho at pag-aaral.

Ano pa bang aasahan ko sa anak ng isang prominente at napakamakapangyarihang angkan? Kaliwa't kanan talaga ang aasikasuhin.

Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. May tumatawag. Nang makita kung sino iyon at agad na kumurba ang isang malapad na ngiti sa labi ko.

"Hello?" Sagot ko sa tumatawag..

"Baby," he replied in a husky voice. Kahit na hindi ko siya nakikita ay bumibilis ang pintig ng puso ko kahit boses niya lang ang naririnig ko..

"Kumusta?" Alinlangan kong sabi at saka kinagat ang pang-ibabang labi..

"Missing you." Deretso niyang sagot.

Pinalobo ko ang sariling pisngi, "Bola."

Kunyari hindi ako naniniwala pero hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti at kiligin..

Kung ikaw ba naman ang ganyanin. Ay sorry, hindi ka pala ginanyan. Bawi next life, beh.

"How's the meeting?"

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon