Chapter 39

4.2K 73 7
                                    

*Sweetrhylle*

"Huy, pwend!"

"Wow ah! Wala man lang hello?" Sarkastiko kong sagot.

"Uso pa ba iyon, ikaw nga binababa ang phone ng walang bye."

"Oh bakit ano ba yun at napatawag ka?"

"Ano na? Bakit hindi mo sinabi sakin ang nangyari sa inyo nung birthday ko, ha?" Demand pa niya.

"Anong nangyare? Wala namang nangyare at saka paano mo nalaman na magkasama kami?"

"Si Manong Guard HAHAHA at saka naprepredict ko na yun no. Nakita ko yun na hindi pa umuuwi at may inaantay at ikaw yun ante! Matagal ng umuwi mga kaibigan niya at alam ko namang ikaw ang dahilan!"

"Lah nag iimbento ka namn."

"Heh! Tigilan mo ko! Sabihin mo na dali! Nabalitaan ko naglasing daw siya ah!"

Ang dami niya talagang alam. Dakilang tsimosa talaga siya.

"Naglasing? Saan mo naman nasagap yan?"

"Kay Chance." Oo nga pala magpinsan sila.

"Oh ano namang kinalaman ko dun? Ako ba naglagay ng alak sa baso niya?"

"Tungek! Wala ka talagang kwentang kausap. Nakapag-usap ba kayo?"

Natahimik ako saglit at saka natulala."Oo."

"Oh tapos?" Excited niyang usisa.

"Yun na yun. Tapos na."

"Anong tapos na? Matagal namang tapos." Asar niya na ikinalukot ng mukha ko.

"Bwisit ka talaga."

"Ano may pasalubong?" Tanong niya ulit.

"Anong pasalubong?"

Baka hinagpis at sakit ang pasalubong.

"Diba nga galing siyang Russia. Binigyan nga akong pasalubong tapos ikaw, nganga?"

Russia? Galing siyang Russia? Ang expensive talaga ng mga mayaman. Kala mo naman iniwan para magdrama.

"Hindi ko naman kailangan ng pasalubong. Kaya kong pasalubungan sarili ko. At saka aning ginagawa niya daw sa Russia?"

"Ay ayon, interesado rin."

Interesado nga ako.
"Ano nga?"

"Nagmomove on. Ano pa ba?"
Napakamot ako ng noo ko.

"Puro ka talaga imbento. Ibaba ko na may klase pa ako."  Paalam ko.

"Sungit. Palibhasa di nadiligan."

"Mai!"

"Hahahahahha."

Ershit na to.

Releasing of report card ng mga bata ngayon kaya sobrang busy ko. Nandito na ang iilang parents nila para makita ang grades ng kanilang mga anak.

Maaga pa naman kaya iilan pa alng ang nandito. Pinaupo ko muna ang mga magulang nila sa classroom.

"Mommy, halika dito, papakilala lita kay teacher..."

Nagulat ako nang dumating si Akaiko na hila hila ang mommy niya  .

"Magandang araw, Ma'am."

"Magandang araw din Misis." Nginitian niya ako kaya sinuklian ko naman.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon