Chapter 21

3.2K 90 6
                                    

*Sweetrhylle*

Nakatanga lang ako habang pinagmamasdan si Soren na nagbibihis ng damit sa harapan ko. May tinawagan siyang tauhan kuno niya na naghatid ng damit sa kanya kanina lang.

Nakaligo na rin siya't lahat lahat.

"Since you're too persistent. I'll go with you." Sabi niya kaya napatingin ako sa mukha niya. Ginulo niya ang buhok kaya mas lalo siyang pumogi sa paningin ko.

"Lah. Hindi naman kita pinilit." Alma ko at humalukipkip. Pinasadahan ko siya ng tingin.

Nakasuot siya ng itim na button up longsleeves na tinupi niya ang manggas hanggang siko. Nakabukas ang tatlong ang butunes  kaya kita ko ang malapad at makinis niyang dibdib. Nakatuck in ito sa pang-ibaba niyang suot.

Nakapantalon  siya na halatang mamahalin. Tahi pa lang. Mukhang mas mahal pa sa buhay ko. May itim na belt at saka silver na rolex wrist watch.

Napakamamahalin niyang tingnan. Tipong yung mamahalin ko. Ang harot!

Dagdagan pa ang earing niyang itim din. Ngayon ko lang napansing may earing pala siya sa kaliwang tenga. 

Nung unang araw ko sa university. Akala ko wala siyang tattoo tapos meron pala. Akala ko rin wala siyang butas sa tenga meron din pala.

Ang dami palang bagay ang hindi ko alam at inaassume ko lang.

He raised his eyebrows when he saw I was gawking at him. I can't help it.

"You insist. That's why."

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

"Pwede ka namang umayaw."
He smirk at saka naglakad na patungo sakin.

Napalunok ako nang hinawakan niya ang beywang ko at saka ako kinindatan.

Napamaang lang ako sa mga kinikilos niya. Anong nangyayare sa Soren ko noon?

"Just be grateful." Sagot niya at saka ako iginiya palabas. Nakatingin pa rin ako sa kanya kahit na naglalakad pa kami.

"You're weird." Puna ko dahil hindi naman siya ganito. However, I like this side of him too.

Nang marating namin ang simbahan ay isang minuto na lang at magsisimula na ang misa.

Napamura at humigpit ang yakap ni Soren sa beywang ko nang nabangga siya ng babaeng maganda nang nasa may harap na kami ng simbahan.

Sa lawak ng daanan ay talagang binunggo siya ni Ateng KSP. Kulang Sa Patid.

"I'm sorry." Pekeng hingi nito ng paumanhin na ikinataas ng kilay ko.

Mayumi niyang inilagay ang buhok sa likod ng tenga at pabebeng tiningnan si Soren na parang may binabalak na hindi ko gusto.

Jusmiyo. Nasa harap tayo ng simbahan, girl. Rendahan mo muna ang pagiging malandi.

Napatingin ang babae sakin tapos sa braso ni Soren na nasa beywang ko. Tinaasan ko ito ng kilay at pinandilatan ng mata.

Sumimangot ang babae.

Hindi siya pinansin ni Soren pero umigting ang panga at sumama ang timpla ng mukha.

May mga medyo maiingay na dumating sa likod namin. Mukhang
dumating yung mga kaibigan ng babae at saka nagtulakan kaya nabunggo nitong muli si Soren.

"What's your godd*mn problem?!"
Nagngangalit ang pangang singhal ni Soren sa kaniya. Matalim niyang tiningnan ang mga babae.

"Jacques.."

"Sorry po."

"Sorry Kya."

"I didn't mean to--"

"Shut the f*ck up." Soren hissed and glared at the poor lady.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon