Chapter 9

3.5K 97 16
                                    

*Sweetrhylle*

Nakauwi na ako ng bahay. Nakapagbihis na rin ako dahil susunduin ako ni Jemaima ngayon at pupunta kuno kami sa isang party. Kung anong party ang pupuntahan namin ay hindi ko alam.

Maraming options kapag ganun. Maliban na lang sa party'ng may exchange gift. Nabato ako ng balat ng orange dahil sa sinabi ko kaya ekis yun sa listahan.

Nag jeans lang ako then black tank top at saka pinatungan iyun ng cardigan. I wore ballet flats para hindi masakit sa paa at makakatakbo ka sa oras ng kagipitan.

Matangkad naman na ako. Hindi ko kailangan ng heels. Hindi ako mahilig sa pangbabaeng gamit. Mas kikay pa yung Mommy ko kesa sakin.

Hindi ko na pinusod ang buhok at hinyaang nakalugay lang iyun sa likod ko. Nilagyan ko na lang ng isang maliit na kukay black na hair clip para naman may nangyayari sa buhok ko.

Napaupo ako sa  kama at hinintay si Jemaima. Ang tagal ng isang yun.

Maya maya pa ay may narining akong bumusina. Agad akong napatayo at sinilip muna sa bintana.

Kinuha ko yung phone ko at nagdala na rin ng maliit na sling bag kahit wala namang laman yun. Para kahit papaano eh sasabihing fashionista ako kahit jok jok lang ito.

Confirmed nandito na siya. Naging mabilis ang pagkilos ko pababa ng hagdan. Nilock ko ang front door namin at naglakad papunta sa kotse ko. Susundan ko lang si Jemaima.

Nang mastart ang kotse ay nagsimula na akong magmaneho. Tumigil ako sa gilid niya. Magkapantay ang kotse naming dalawa.

"Bakit hindi ka na lang dito sumakay?" Tanong niya nang makitang nagdala na rin ako mg kotse. "Huwag na. Sige na tayo na baka malate pa tayo sa pupuntahan." Suhestiyon ko. Wala na siyang magawa kaya lumarga na siya.

"Sumunod ka lang sakin, ah?"

Tinanguan ko siya sabay okay sign. Isinara niya ang bintana at nagsimulang paandarin ang kotse. Nakabuntot lang ako sa kanya the whole time.

Hindi ko alam kung saang lupalop na ito mg mundo. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumagal ang takbo ng kotse ni Jemaima kaya ganun din ang ginawa ko. Naghanap siya ng mapaparkingan at nagpark kaya nagpark narin ako sa tabi niya.

Inilibot ko ang paningin sa lugar. Sigurado ba siyang tama itong napuntahan namin?

Pinatay ko na rin ang makina ng kotse. Kinuha ang susi at saka lumabas. Inilock ko muna iyon bago ko dinaluhan si Jemaima.

"Dito na yun?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya."Oo, eto yung address na binigay ni Tita." Sigurado niyang tugon at nagsimula nang maglakad.

May mga matatayog na building ang nakatayo sa lugar may mga mangilang ngilang tao din at maraming establisyemento sa paligid.

Mukhang safe naman dito. "Siya nga pala. Ito yung ticket mo."

Tumaas ang kilay ko. May ticket? Ano to concert?

Kinuha ko yun at ineksaming mabuti. Bukod sa mga numbers ma nasa itaas, parang QR code sa gilid at malaking salita na V.O.V.O Club. Na nasa gitnang bahagi ng ticket tapos parang fireworks na iba't ibang kulay ang background ay wala ng kakaibang disenyo ng ticket.

"Para saan to, Jemaima?"

"Para makapasok tayo sabi ni tita dito daw tayo makakakuha ng peace of mind at makakatulong daw ang club na ito." Simple niyang sagot at nagsimula nang hanapin kung saan naroroon itong VOVO's club na ito.

Matapos ang ilang minutong paghahanap ay nakanganga kaming nakatayo sa lugar na kinatatayuan ng VOVO'S Club. Parehas kaming napatingin sa isa't-isa.

Ito ba talaga ang club na yun?

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon