Chapter 4

4.1K 131 11
                                    

*Sweetrhylle*

Pagkauwing pagkauwi ko ay naglinis ako ng bahay, nagdilig ng halaman, nagwalis, naglaba, at naghugas. Wala kaming katulong. Ayaw kumuha nila Mama at Papa para matuto kuno ako sa gawaing bahay. Tama din naman. Pero ang hindi tama ay kung ganito kalaking bahay ang aalagaan ko kada araw.

Hindi naman ganun kadumi ang bahay. Isang beses sa isang linggo lang kasi pumupunta ang taga linis ng bahay. General cleaning kung baga at yung hardinero kaya kung wala sila ako talaga ang gagawa pero yung kwarto, sala, at kusina lang naman ang nilinisan ko. Aabutin ako ng isang araw kung bida bida kong lilinisan ang buong bahay.

Pawis na pawis ako pagkatapos kong magawa lahat ng kailangan gawin. Tiningnan ko ang relo  6 na pala ng gabi.

Naligo ako at nagbihis. Mag gogrocery ako ngayon dahil wala nang mga laman ang pantry namin. Gusto ko din magluto ng ulam kaya kailangan kong bumili ng ingredients.

Marunong akong magluto pero hindi ako expert. Ako lang din naman ang kakain.

Nagsuot lang ako ng white hoodie jacket at black jeans with sneakers.

Dahil medyo basa pa naman ang buhok ko. Hindi kasi ako gumagamit ng hair blower. Nakakadry daw ng buhok yun. Hindi ko pa natry. Hinayaan ko lang siyang matuyo ng kusa.

Hindi na ako nag make up dahil hindi naman ako gumagamit nun. Ang bigat kaya sa mukha nung minsang inayusan ako ni Mommy. Kaya ayoko na. Nagmimistulang canvas ang mukha dahil sa kolorete. Malapit lang naman ang bilihan. Mga 10 minutes walk lang.

Maglalakad lang din ako papunta doon dahil trip ko lang. Gusto kong suminghap ng hangin at mag emote sa daan.

Sa Super 7 ako palaging bumibili. Nandun kasi lahat tsaka mura dun. Parang pinaghalong convenience stote at supermarket kaya okay.

Isinara ko ang gate ng bahay at saka ako naglakad patungo sa Super 7.

May nakasaksak na earphone sa tenga ko para kunwari sad girl ako.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na rin ako. I pushed the door to open at saka kumuha ng lalagyan yung may gulong. Mayroon din kasing walang gulong at bibitbitin mo lang. Bakit pa ako magpapakahirap kung mayron namang madali.

Agad kong kinuha ang listahan ko sa lahat ng dapat bilhin. Kung maggogrocery kayo. Listahan is a must para walang makalimutan.

Hindi naman sobrang dami ng bibilhin ko dahil uuwi na rin naman sina mommy one week from now.

Habang nasa mga chichirya section ako ay may nahagip ang mata ko.

Two people exchanging something. I narrowed my eyes para makita kung ano yun. Hindi ko maklaro ng maayos dahil natatabunan nung lalaking nakaitim na shirt.

They were both suspicious. Palingon lingon pa yung isa na nakapolo sinisiguradong walang nakatingin. They were in the far corner. Walang nagagawi doon. Wala din masyadong tao ngayon.

Napahawak ako sa noo ko. I should stop being nosy. Hindi yun nakakatulong.

But then, bakit parang pamilyar yung likod nung nakablack shirt. Parang nakita ko na. Hindi ko lang sure kung saan kailan at kanino.

Dinalian ko ang pagkuha ng chichirya at baka mapagkamalan pa akong chismosa dito.

Dahil nga minamalas ako ngayong araw ay nagkanda hulog hulog yung mga dinampot kong chichirya na naglikha ng ingay.

Ah, shit!

Napalingon ang dalawa sa gawi ko dahil doon.

Nanlaki ang mata ko at saka agad na yumuko upang damputin lahat ng nahulog. Napapikit ako at lihim na sinabunutan ang buhok.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon