Special Chapter

4.2K 110 19
                                    

It's been one week nang magkabalikan kami ulit ni Soren. I don't care if it's too early para sumugal ulit..para magcommit ulit.

"Wow, ang ganda kanino yan?" Tanong ko kay Soren when he showed me an airplane, hindi laruan na airplane kundi literal na airplane, yung nasasakyan.

"Huwag mong sabihin na pinakita mo yan para mang-inggit?" Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "No. Why would I?"

"Do you like it?"

Tumango ako at saka namamangha nakatitig doon. "Oo, ang ganda niya. Alam mo pangarap ko talagang makasakay ng ganyan yung ako lang mag-isa tapos mag fly fly kahit saan." Kwento ko pa.

"Then you can do it you can fly fly above the sky." Natatawa niyang sabi.

Nilingon ko siya at saka namilog ang mata. Napatakip pa ako ng bibig.
"Wait, don't tell me..."

"Then I won't tell you."

"Jacques!" Hinampas ko siya sa braso para magseryoso.

"Yes, love. It's yours. Pasalubong ko sayo. I can't think of anything you like so I just want to give this little present."

Little present...

Hanep.

"Jacques, hindi to little present. Ang laki nga oh!" Turo ko pa sa airplane.

"And I colored it purple. I know you love purple."

Hala oo nga. Ngayon ko lang napansin.

"Sure kang akin talaga yan? Niloloko mo yata ako, eh."

"That's yours. We can use it now if you want."

"Talaga?! Gusto ko yan!!" Excited akong napalakpak at saka ngumiti sa kanya.

He bit his lower lip nakatitig sakin na nakangiti sa kanya.

"Ba--" naputol ang sasabihin ko sana when he grab me.

Agad niya akong hinila at saka siniil ng halik sa labi. Saglit lang naman dahil agad siyang bumitaw. "Damn, if I knew you would be this happy, I would have brought more."

"Huy, parang hindi ko.yata matatanggap to. Alam kong sobrang mahal ng mga ganyan at saka ginawa mo pang customize."

"Baby, it's not about the price. It's the thoughts that counts."

Napangiwi ako.

Mukhang hindi akma sa pasalubong niya ang katagang iyun.

Nginitian ko siya ng malaking malaki na nagpangisi sa kanya. May kislap ang kanyang mga mata. Hindi ko mapigilang yakapin siya sa leeg ng mahigpit sa sobrang saya ng pakiramdam.

"Thank you." Bulong ko habang namumumuo ang luha sa mata. Agad naman niyang hinapit ang beywang ko at pinulupot ang matigas niyang braso doon. Naramdaman kong hinalikan niya ang sintido ko at saka hinaplos ang buhok.

Sobrang saya ko. Hindi dahil sa regalo niya kundi dahil sa kanya. Dahil sa nangyayari samin. I never thought we would have a happy moment like this after we broke up. Akala ko tapos na ang lahat. Na hindi ko na siya makakasama. Na hindi ko na siya makikita at mayakap.

Kumalas siya sa pagkayakao sakin at saka ako tiningnan nang mariin. Titig na titig siya sa mukha ko na para bang sinasaulo niya ang bawat sulok nun.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at naglilipana na naman ang paru paro ko sa tiyan. Kung ganyan ba naman siya kung makatitig hindi ko alam kung kaya kung tumbasan iyun.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon