Chapter 23

3K 95 11
                                    

*Sweetrhylle*

Kinabukasan, hindi ko inaasahan ang naging mga pagkilos ni Jemaima. Akala ko ay iiwas siya o hindi niya ako--kami papansinin but my assumptions turned out wrong.

"You won't believe what happened yesterday night. God!" Kinikilig niyang dugtongnsa kwento niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

"Baket anyare?" Walang gana kong tanong at patuloy siyang inaanalisa.

"I met someone. He's cute. I kinda like him. We talked for about an hours and guess what? He took my number kyahhhh.." Tili niya at talagang namula ang mukha.

Nangunot ang noo ko.

"Akala ko may gusto kang iba?"

She flipped her hair at saka inaayos ang bangs niya.

Nandito kami sa coffee shop. Hapon na at kakatapos lang ng klase namin.
"Well, wala naman na yun. I can't force somebody to like me. I'm Jemaima sa ganda kong to maghahabol ako?" Hindi makapaniwala niyang tugon. Napatango ako.

" Well, bakit hindi? If the person is worth the chase? Hindi mo ba siya ipaglalaban?"

"No way, pinanganak akong tao hindi sundalo. I'm a good lover but I'm not a fighter, you know." Iniling iling pa niya ang ulo at uminom mg iced coffe niya.

"Jemaima.."

"At saka ikaw na rin ang nagsabi, responsibilidad ko ang nararamdaman ko. Hindi porket gusto ko yung tao kailangang gustuhin niya rin ako." Madamdamin niyang sabi at saka tumingin sa labas ng coffee shop. Salamin kasi ang buong pader at nakikita mo talaga ang mga taong dumaraan.

Punyemas napasama tuloy ang dulot ng pinagsasabi ko. Nyeta naman.

"At narealized mo yan sa isang gabi lang? Daig mo pa si The flash ah, hanep sa bilis."

"Wala namang eksaktong oras para mag move on diba. Nasa tao naman yun kung kelan gusto ng puso niya." Mahina niyang sagot na nagpatawa sakin ng bahagya.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Binato ko siya ng tissue paper.

"Drama neto. May pa move on moveon ka pang nalalaman. Gusto mo kaltukan kita sa noo? Bakit ka mag momove on eh wala namang kayo." Asar ko na mas lalong nagpapula sa mukha niya.

Move on pala ah.

Umingos siya.
"Alam mo ang pangit mong kabonding. Nag eemote yung tao tapos babarahin mo. Tama ba yun?" Nakasimangot niyang ani.

I rolled my eyes.

"Hindi. At hindi din tama ang alis alisan ang peg tapos hindi man lang tinapos. Palihim na nga lang na nakikinig hindi pa nilubos."

Napukaw ang atensyon niya sa sinabi ko at saka itinukod ang siko sa mesa upang mas mailapit ang mukja sakin.

I smirk. Bingo. Huli ka.

"Anong ibig mong sabihin?" Naiintriga niyang tanong na nagpahalakhak sakin.

"Hindi ko sasabihin.." I replied in a sing song voice.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagpuppy eyes.

"Pwend, maawa ka naman. Ano ba yun? May dapat ba akong malaman? Ano na? Sabihin mo na dali para namang wala tayong pinagsamahan sa ginagawa mo eh."
Kumbinse pa niya.

"Bahala ka diyan. May nakilala ko kamong kyut at like mo diba? Dun ka na. May like ka na palang iba bakit enterasado kapa sa una?"

"Pwend, hindi naman yun totoo eh.
Gawa gawa ko lang yun kasi naman nasasaktan ako eh." Agap niyang sabi. "Ikaw yung gusto niya samantalang may guato ako sa kaniya tapos ikaw may gustong iba. Ang pangit ng set up natin..payt me!"

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon