Chapter 12

3.3K 99 13
                                    

*Sweetrhylle*

Nagising ako nang may mabigat na bagay ang nakapatong sa hita at tiyan ko. May mainit na hangin din sa may leeg ko mismo.

Mabilis kong idinilat ang mata at nakita ang kahindik hindik na pangyayari.

Lumuwa ang mata ko at nataranta.

Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang pagsigaw ko dahil sa pwesto naming dalawa ni Soren at agad na namula.

Bakit ganito ang nabungaran ko?

Nakatihaya ako sa gitna ng kama ko. Samantalang nakatagilid naman si Soren paharap sakin. Nakapulupot ang mabigat niyang kamay sa tiyan ko. Nakasuksok ang ulo sa may leeg ko, humihinga doon.

Tiningnan ko ang ilalim ng kumot.

Nakatanday ang binti niya sa legs ko. Iisa lang din ang gamit naming unan.

Hindi dapat ako nakatulog dito!
Pinagmamasdan ko lang naman siya kagabi. Papaanong magkatabi na kami?

Napatingin ako sa orasan. Alas syete palang ng umaga. Kulang na kulang ako sa tulog dahil late na nga kami masyado nakarating dito. Ginamot ko pa siya.

Hindi kami mag-asawa para matulog ng ganto. Mahabaging Diyos. Ilayo niyo ako sa tukso.

Malakas akong napalunok at saka dahan dahan dahang tiningnan si Soren. Mahimbing pa rin ang tulog niya at parang ngayon lang naranasang matulog sa loob ng ilang linggo.

Napakagandang lalaki naman nito. Umaga pa lang pero sobrang aga naman ang biyayang ito, Lord.

Mainit at nakakakiliti ang hanging binubuga niya sa leeg ko. Nanayo ang balahibo ko. Para siyang baby kung matulog.

Baby ko.

Huwag niyong pansinin ang salitang ko. Gawa gawa lang yan ng mga illuminati.

Dahan dahan kong iniangat ang braso ni Soren na nasa may tiyan ko. Hindi ako humihinga habang ginagawa iyun dahil baka magising siya at makita itong pwesto namin. Mas lalong wala akong mukhang maihaharap.

Ang awkward kaya. Hindi ko kaya. Mas mabuti na yung ako lang mag-isa ang nakakaalam.

Wala akong excuse para tumabi sa kanya kahit pa kama ko to dahil alam kong may siya na nakatulog dito. Ako dapat ang mag-adjust.

Nang mailagay ko ang braso niya sa kama ay dahan dahan din akong umupo.

Napatigil ako nang kumilos siya ng bahagya. Akala ko nagising na siya pero bumaling lang ang ulo niya ng kaunti at umungol.

Music to my ears.

Joke. Joke. Joke.

Napabuntong hininga ako.

Papaano ko tatanggalin tong binti niya?

Dahan dahan ko talagang hinawakan ang pants na suot niya at saka iyon hinay hinay na tinanggal sa legs ko. Napakagat labi ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Magsimula na akong pagpawisan sa noo dahil masyadong hot itong kasama ko.

Sa sobrang hot sinusundo na siya sa impyerno.

Walang ingay akong umalis ng kama nang mapagtagumpayan ang misyon.

Kinumutan ko siyang muli at nilakasan ang aircon. Mas masarap matulog kapag maginaw. Mukhang mas kailangan niya ng madami sa lagay na 'to.

Pumasok ako sa banyo at naligo. May pasok pa ako ngayon. Pagkatapos maligo ay pumunta ako sa walk in closet ko na kadugtong lang din ng banyo at isinuot at uniform.

Syempre nag bra at panty na din ako sali mo na din yung cycling ko. Nagsuot na rin ako ng sapatos.

Sinulyapan ko si Soren sa kama na nakadapa na at natutulog pa rin. Para namang pinagbawalan matulog ang isang to at ngayon lang nakatulog ulit.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon