Chapter 40: The Ending

4.8K 84 17
                                    

*Sweetrhylle*

Soren admitted it all. Ni hindi pumapasok sa isip ko lahat ng sinasabi niya.

"It was all planned out." Sa dinami dami ng sinabi ni Soren sakin ngayon ay yun lang ang tumatak sa isip ko.

"What?!"

"I planned it out. I'm sorry." Nakayukong sabi niya nang may pagsisisi sa boses.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Soren naman, sobrang haba ng panahon, ng taon, kahit ba sa mga oras na yun ay hindi mo naisip na sabihin sakin?"

Hindi siya nagsalita. Sarkastiko akong napatawa, "Wala kang balak sabihin sakin ang lahat." Sabi kong nang marealize iyon. "Hindi mo yan aaminin kung hindi pa sinabi ng pinsan mo. Hindi ka aamin."

"Because it's better for you. Mas okay ng masaktan ako kesa ikaw. Mas mabuti nang lumayo ka sakin kesa nandito ka nga sa tabi ko, gulo lang ang magiging buhay mo. Mas mabuti na yung hindi kita nakikita basta alam kong ligtas ka." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Jacques.. girlfriend mo ako. Sinabi mo sana sakin."

Sobrang haba ng panahong sinayang natin.

"If I did told you, I know you will never leave. I don't have a choice but to do it."

"Kaya mo pinalabas na may iba kang babae? Na gumagawa kayo ng milagro? Para lumayo ako at hindi na lumingon sayo?"

Sunod sunod ang naging pagtango. His eyes becomes glassy and moist.

"Mas madali. Mas maganda. Puntirya ka nila. Kung hindi ko pinalabas na patay ka na ay baka balikan ka nila at hindi na kita maililigtas pa. You know that you're my everything. I can't lose you permanently. When I succeeded to carry out all my plans, hinanap kita agad. Ikaw yung unang pinuntahan ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"When I arrive from Russia to settle the dispute between our families, you are the first person I want to visit. Nakukuntento na lang ako sa mga kwento ng mga kaibigan ko tungkol sayo."

"Jacques..."

"I want to avenge you." Umigting ang panga niya habang nakatitig sa mesa na nasa harapan namin.

"Hindi sila makakatakas sa ginawa nila sayo that's why I have to clear my path dahil kapag nagtanong ka..alam kong..sasabihin ko sayo...lahat."

"Kaya ba bumalik ka dahil nakapaghihanti ka na?"

"No. I came back because I love you.  I want to make things right. I came back dahil gusto kong kalimutan ang buhay na kinagisnan ko. Gusto kong magbago...para sayo. Gusto kong mabuo ulit tayo. Gusto kong may ikaw sa tabi ko...habang buhay."

"You never cheated on me." Mahina kong sabi habang napagtanto ko ang lahat. All these years, nagkamali ako. Iniisip kong manloloko siya. Na niloko niya ako.  Ang baba ng tingin ko sa kanya. Hindi ko man lang naisip na hindi niya yun magagawa. Nabulag ako sa lahat ng mga pinakita niya, agad akong naniwala.

"Bakit ko naman ipagpapalit ang pang habang buhay na kasiyahan sa panandaliang tawag ng laman?" Tanong niya.

Hindi ako karapat-dapat na babae para sa kanya.

Ang sama ko.

"I'm a killer but I'm not a cheater."
Dagdag pa niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o ano. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

I closed our distance at saka siya umiiyak na niyakap. Humagulgol ako sa balikat niya.

Nabato siya sandali pero agad niya din akong niyakap sa beywang.

"Hey, why are you crying?" Malumanay niyang sabi at saka hinahaplos ang buhok ko.

Mas lalo kong tinago ang mukha ko sa balikat niya at mas hinigpitan ang yakap sa leeg niya.

"Ang s-sama ko. Ang sama-sama ko. Pinagduduhan kita. Pinag-isipan ng masama at..at..iniwan." sisi ko sa sarili.

Binuhat niya ako. I'm now straddling on his lap habang nakayakap sakin.

"I'm sorry." Humihikbing sabi ko.

"Shhh, don't say anything.."  Kinalas niya ang yakap ko sa leeg niya at saka kinulong ang mga pisngi ko.

"You didn't do anything wrong. You don't have to say sorry." He said softly at saka ako muling niyakap ng mahigpit.

"I love you.. kahit ilang taon na ang lumipas, I still love you." He whispered sincerely.

Mahal din kita..noon at ngayon..

Ayoko ng sayangin pa ang pagkakataon at panahon. Tama na siguro ang mahigit apat na taon na magkalayo kami sa isa't-isa. I still love him. I will always love him.

He loves me too. I just don't want to waste time and tears. I want to be with him with all my life. Gusto naming mabawi pareho ang lahat ng nasayang.

We want to cherish those we had in the past and create new memories in the future.

Noon pa man, para sakin, siya lang ang gusto ko, ang nagugustuhan ko, ang minahal ko at mamahalin ko. Siya lang wala ng iba.

Love without any restrictions. Let your loved ones feel all the love you have because we do not know what will unfold tomorrow. Life is unpredictable.

Don't live a life full of regrets and what if's. 

Learn from your yesterday, cherish your today, and hope for your tomorrow.

I'm Sweetrhylle Manzanares and I'm willing to spend the rest of my life to the Devil, Dark, and Dangerous because he's mine as I am his.









                       **The End**







This will be the book's ending. I will write a Special Chapter in the future and let you have a glimpse of Sweetrhylle and Jacques Soren's life.

Thank you for your unending support. Thank you for your comments, votes, and for reading this story.

This is my second book and probably will be the...last.

However, I'm still debating with my self because writing is my home. It is my comfort zone.

Nevertheless, from the bottom of my LOVELESS BUT HOPEFUL heart, thank you!

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon