Chapter 30

3.8K 82 8
                                    

*Sweetrhylle*

"Jacques.." I called him and then pouted. Sinulyapan niya muna ako. Tiningnan ko siya ng makahulugan.

Bumuntong hininga siya and then close his laptop. Nilagay niya iyun sa center table at saka ako hinarap.

I smiled. Now, I have his attention.

"I love your smile." He suddenly said. Hindi man lang ako nakapag-prepare sa magiging reaksyon ko kaya napatulala na lang ako sa kanya.

"Not just your smile, by the way. I love everything about you."

"H-Huy ano bang sinasabi mo diyan?"

"What?"

"Dinidistract mo ko, eh!" Maktol ko upang itago ang pamumula ng mukha. He chuckled.

"Your beauty also distract me. Hindi naman ako nagrereklamo." Bulong niya at umiling iling pa. Kahit mahina lang yun ay rinig ko pa rin. Nagsisimula na naman ang puso ko. Bwisit na to.

Magaling lang sa pagpapakilig tapos hindi ako kayang panagutan.

I compose myself. Hindi dapat ako nagpapadala sa matatamis niyang salita dahil nalilimutan ko na ang mga dapat kong gawin. Punyemas naman.

I cleared my throat dahil titig na titig talaga siya sakin. May iba sa mata niya na hindi ko mawari at mapangalanan.

"Stop staring, Jacques." I warned him. Should I just go home? Hindi ko na yata kaya ang tensyon dito.

"I can't, Love." Wala talaga siyang hiya. Hindi man lang nahiya talaga.

Napailing nalang ako at saka umayos ng upo paharap sa kanya.

"So this game is called Kiss or Tell."
I started. He just nodded and urge me to continue, "I will throw pick up lines na alam ko tapos bawal kang magkaroon ng reaksyon."

"What kind of reaction?"

"Kahit ano. Ngingiti, tatawa, ngingisi o kikiligin ay bawal. Kapag nagawa mong walang reaksyon sa mga sasabihin ko, panalo ka at talo naman ako."

He agreed. " What consequence will a loser have?"

Napaka atat naman.

"Depende yun sa nanalo. It's either you let him or her to kiss you," naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang umangat ang labi niya dahil sa sinabi ko.

"Interesting." Mababa ang boses niyang sabi at saka sumulyap sa labi ko. I unintentionally bite it.

" Oh, f*ck. You're a torture."

"Jacques!"

Agad kong pinakawalan ang pagkagat sa labi ko at muling tumikhim. Napakalandi niya talaga. Mabuti na lang at mataas ang kontrol ko sa sarili dahil kung hindi napalo ko na siya ng tsinelas.

Mas lalo siyang ngumisi pero tumango naman. I understood it as a cue na magpatuloy.

"Or the loser will tell the truth about something you want to know."

I want him to lose. Marami akong gustong itanong sa kanya at gustong malaman.

Tumaas ang kilay niya. "How can I know you're telling the truth?"

Wow. The audacity. Baka nga siya yung hindi magsasabi ng totoo kapag ako 'tong nanalo.

"Alam mo, ang dami mong tanong. Napakamaduda mo. Kung sa tingin mo ay hindi ako mapagkakatiwalaan. You can just request a kiss!" Inis kong sabi sa kanya.

He chuckled sexily. Amusement is evident on his eyes.

Doon ko lang napagtanto ang kahihiyang pinagsasabi ko. Lagot na.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon