Chapter 3

4.8K 130 2
                                    

*Sweetrhylle*

*Kringgggggg*

*Kringgggggg*

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog na ang alarm ko. Papungas pungas akong bumangon at naupo sa kama ko. Agad kong inabot ang alarm clock na nasa bed side table ko at pinatay iyon. Oo, sinaksak ko ang ingay kasi. Charing. In off ko lang.

Nagstretching ako kunwari kasi mapagpaggap ako eh. Bakit ba?

Malakas akong humikab at saka na tumayo. Inayos ko muna ang kama at saka ako nagtungo sa banyo upang maligo na't lahat lahat dahil lunes na naman ngayon. Pasukan na naman. Nakakaexcite *insert sarcasm*

Nagbihis na ako ng uniform. Oo may uniform ang University. One week after the first day of class ay kailangan ng magsuot ng uniporme. Our uniform is a pleated checkered skirt combining gray and white colours. Then, white longsleeves na may logo sa school sa may bandang dibdib at gray coat. Sa sapatos naman ay depende na kung ano ang susuutin mo.

Heels, doll shoes, sneakers o kahit ano pa you name it. Pwede ang lahat ng yun. Kung gusto mo magtsinelas edi okay lang din pero mukhang walang magtsitsinelas sa school.

Sino naman ang matinong tao ang magtsitsinelas sa school. For sure pabonggahan ng shoes ang mga tao dun.

Nang matingnan ang sarili sa salamin ay bumaba na ako. The school's requirement for the skirt ay dapat mid thigh pero yung akin ay umabot na sa kalahati ng tuhod ko.

Nag cycling na din ako for safety purposes only.

Baka makita nila ang darkest secret ko. Char ulit. Wala akong ganun.

Sinuot ko na rin yung black high cut converse shoes ko at pinusod ang buhok. Makati kasi sa leeg kaya palagi akong nakabun or ponytail basta kahit anong hairstyle na naiisip ko para lang hindi sumayad ang buhok ko sa leeg at mukha ko.

I just grab a sandwich na ginawa ko kagabi. Ito na lang ang iaalmusal ko ngayon. Sa school na lang ako kakain ng marami. Sayang naman ang mahal ng tuition fee tapos hindi ko papakinabangan ang pagkain dun. Ang sasarap kaya.

Kasing sarap ko. Char ulit.

Sumakay ako sa sasakyan ko. Nag seat belt at baka tumilapon na lang ako kung sakaling may mangyari. Hindi natin masasabi ang panahon. Safety is a must. Pinaandar ko na agad ang sasakyan.

Nagpatugtog na rin ako para naman may nag iingay dito sa sasakyan ko.

15 minutes drive lang ang layo ng bahay sa school well depende yung sa kung gaano kabilis ang takbo pero sa pagpapatakbo ko aabutin ng 20 mimutes. Usad pagong akong magmaneho eh.

Napaigtad ako nang may malakas na bumusina sa likod ko. Agad itong umovertake sa sasakyan ko at saka inilabas ang ulo sa bintana niya.

Galit ang mukha.

"Huy! Kung hindi ka marunong magmaneho ay magpraktis ka muna! Huwag mong harangan ang kalsada!" Inis niyang bulyaw.
Matanda na ito at saka panot.

Napanganga ako. Ang galing ko kayang magmaneho!

Hindi ko naman siya hinarangan. Napalabi ako. Ang sama niya ah!

Kaya siguro maaga siyang napapanot dahil galit siya palagi.

After 25 minutes ay narating ko na rin ang school. Maaga pa naman para sa una kong klase.

Nagpark na ako sa tabi ng isang magarang big bike. Kulay itim ito at napaka shiny.. Kasing shine ng noo nung driber na singawan ako kanina. Namamangha ko iyung pinagmasdan. Kanino kaya to?

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon