Chapter 1

11.6K 207 28
                                    

NOTE: All chapters are  unedited. UNEDITED! If you want polished and professionally written work and story. This is not for you. Do not proceed if the imperfections of my style of writing is not in your preference. Again, DO NOT PROCEED! if all you do is to offend me or the story. You have been warned. Thank you. Anything other than that, continue on reading..


*Sweetrhylle*

"Good Morning, class." Bati ng babaeng nasa edad trenta pataas sa malamig na boses. Napaayos ako ng upo at saka siya pinagmasdan.

Tuloy tuloy sa pagpasok ang prof sa loob ng classroom. Nakasuot siya ng medyo masikip na pencil skirt, white button up long sleeves, neatly bun ang buhok at may salamin. Typical strict professor sa paaralan. At siya sa palagay ko ang magiging teacher namin sa subject na to.

Dali daling umayos ang mga kaklase ko sa kani kanilang upuan.

"Good Morning, Miss." Walang ganang bati namin pabalik.

Medyo malakas niyang inilagay sa table niya ang dalang index cards at libro na nagsanhi ng ingay. Tanging paghinga lang ang maririnig mo sa buong silid.

Isa-isa niya kaming pinagmamasdan habang nakapameywang. Maganda si Miss ( hindi pa nagpapakilala) maputi at matangkad. Maganda rin ang hubog ng katawan. Yun nga lang ay strikta ang mukha at parang hindi ngumingiti.

Unang araw na ngayon ng pasukan. Ibig sabihin unang araw rin ng pagtuntong ko ng College dito sa Illuminous University. The biggest and the most prestigious school here in the City.

Hindi naman ako kinakabahan sa unang araw ng klase at ganun din ang aking mga kaklase. Unang period pa lang pero mapapansin mong bored na bored na sila.

Nagsimula nang magsulat sa white board si Miss prof gamit ang pink niyang felt tip pen.

Freya

Freya?

The goddess of love and beauty?

Yun lang ang isinulat niya sa bulletin board. Humarap siya sa amin. "I'm Freya. You can call me Miss Freya. And I'm your instructor for GE100..."

GE 100 is our Purposive Communication subject this semester.

Napalunok ako at nakinig ng mabuti.

"Since it is your first day I don't want you to introduce yourself. I already checked your files." Kinuha niya ang mga index cards na nasa table at saka shinuffle ang mga iyon. Nakalagay doon ang pangalan at personal pictures ng bawat isa. " This index card right here," itinaas niya ang hawak "will be my bases if you will pass or repeat this subject next year."

Gasps are heard across the room. They are murmurring about what Miss Freya said. Hindi ko naman sila masisi. We are all new to this one. Hindi ito katulad nung highschool na teachers give chances to students who fails through giving special projects. This University, doesn't care if you pass or fail. The decision is up to you.

"Now, let's begin our oral recitation." Miss Freya's voice sounded firm and authorative.

Nanlaki ang mata ng mga kaklase ko, okay pati na rin ako.

Really, Oral recitation? First day of class tapos first period pa. Buhay nga naman.

Akala ko talaga mga matatandang dalaga o kaya panot lang ang ganito kapag first day of school.

"Miss naman-"

"Hala, Hindi ako prepared."

"Miss first day ngayon eh."

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon