Chapter 14

3.1K 94 5
                                    

*Sweetrhylle.*

"Ano bang dapat ilagay dito sa status?" Tanong ko kay Jemaima. Nagfifill out kami nung handbook na binigay sa amin ng Vovo's club. Kailangan daw ito para maging official member ng club.

"New born." Maikling sagot niya. Napataas ang kilay ko. "New born?" I repeated.

Tumingin si Jemaima sakin. "Oo, new born yung tawag satin na bago pa lang. Toddlers yung ilang taon palang tapos Adults yung mga sobrang tagal na sa club at Elders naman ang tawag sa mga founders ng club tulad ng tita ko."

Napangiwi ako sa paliwanag niya pero hindi na nagkomento. Kakaibang club nga itong napasukan ko. Jusmeyo.

"Anong ilalagay dito sa username?" Tanong ko ulit. Sa harapan ng handbook may username na nakalagay sa ibabang bahagi.

"Jem Stone yung nilagay ko sa akin. Sayo ba?"

Napatango ako. Sinulat ko rin ang magiging username ko sa club.

"Anong sayo?" Tanong niya ulit. "Sweet Corn." Sagot ko.

Napaangat ako ng tingin nang tumawa siya. "Nakakatawa yun?"

"Sorry. Natawa lang talaga ako. Pffft."

"Nabubuang ka na naman."

Ipinagpatuloy ko ang pagfifill out.

Username: Sweet_Corn

Status: New Born

Amount: 70,000.

Snacks: 1 Mang Johnny, 5 Champure, 5 Maxii, 2 Lollipop, 1 v fresh.

Ibinigay ko kay Jemaima ang handbook dahil ibabalik pa daw ito sa club. Kinuha niya iyon at isinilid sa bag kasama nung kanya.

"Pwend, Comfort room lang ako." May mayang paalam niya. Tumango ako.

Agad siyang umalis. Nasa library kami ni Jemaima. Kanina pa natapos ang klase namin pero hindi pa kami umuuwi. Napakatahimik dun sa bahay. Nasasanay na ako na may kausap.

Kung halos araw araw mo ba namang kausap si Jemaima tingnan natin kung hindi ka masanay.

Hindi tulad ng lahat ng library, dito sa University walang librarian. I already told that students here are disciplined enough.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa shelf na nasa gilid ko. Puno iyon ng libro.

Nawala na ang pamumula dahil sa sampal ni Eris kanina. Hapon naman na ngayon. Hindi ko pa rin lubos maisip ang lahat ng nangyari sa isang araw.

Sinugod ba naman ako at sinampal bigla bigla dahil lang nakita niya akong nakaangkas sa motor ni Soren? Napakababaw naman niya!

Tapos itong si Soren, may pa concern concern pang nalalaman. Napakapaasa naman.

"Hi Miss, sa wakas nakita rin kita."

"Jusko!" Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang may nagsalita sa gilid ko. Iniangat ko ang tingin habang sapo pa rin ang dibdib.

Nagtataka akong napatingin sa lalaking nakatayo.

"Sino ka?" Taka kong tanong at kumunot ang noo.

"Hindi mo na ba ako naalala?"

"Magtatanong ba ako kung naalala ko? Tanga ka?" Ngunit imbes na magalit at ngumiti lang ito at saka umupo sa silyang nasa harap ko. Inilapag niya rin ang librong dala sa mesa.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon