Chapter 35

3.1K 56 3
                                    

*Sweetrhylle*

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit ako sa kwarto. Nadatnan ko si Soren na papaalis. Nakabihis na rin siya ng pantulog.

"S-Saan ka pupunta?" Mahina kong tanong."

"Matutulog na ako."

"P-Pero..." Pwede ka namang matulog dito. Kwarto mo naman to.

Tinalikuran na niya ako at nagtuloy-tuloy na sa paglabas. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya.

Hindi niya ako pinapansin.

Dapat ako ang galit dahil may kasalanan pa siya pero bakit ang ending eh ako ang naghahabol at nagpupumilit na magkaayos kami.

May pasabi sabi pa siyang. Balik ka na. Bwisit.

Pinapabalik ako pero wala namang intensyong tratuhin ako ng maayos. Titipid ng mga salita at akala mo hahabul habulin ko siya. Asa siya. Manigas siya diyan!

Umirap ako sa hangin at padabog na pumunta sa kama. Humiga ako at saka pinikit ang mata. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ako makatulog kaya pinagsisipa ko ang mga unan at ang kumot ko sa sobrang frustrated.

Sinamaan ko ng tingin ang pader sa kabilang kwarto.

Kala mo gwapo ka?

Gwapo ka nga! Ang lamig lamig mo naman!

Peste talaga.

Kinabukasan ay hindi niya pa rin ako pinansin kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya.

Bakit ko siya susuyuin? Ano siya gold?

Tumingin siya sakin nang makasalubong ko siya sa may hagdan.

Nakatitig lang siya ng seryoso sakin at saka nakakunot ang noo. Nagtataka kung bakit narito pa ako sa bahay niya.

"Akala ko ba aalis ka?"

"Ayoko. Bakit papalag ka?" Pagmamaldita ko. Nagsalubong ang kilay niya.

"You're weird."

"Edi sana hindi ka naggirlfriend ng weird. Ang ending kasalanan ko pa. Tabi nga!"

"What the fuck!"

Hindi ko na siya pinansin at saka nagtuloy tuloy na sa paglabas. Pupunta nalang ako kina Jemaima. Wala nan akong makakausap dito bukod sa hangin.

Sasakay na sana ako ng kotse nang marinig ko siyang nagsalita.

"Where do you think you're going?"

"Pupuntang impyerno."

"Baby!" Galit niyang sigaw. Pareho kaming nagulat. Nagulat siya dahil sa tinawag niya sakin at ako naman ay sa pagsigaw niya.

"A-Ano bang pake mo kung saan ako pupunta. Akala ko ba walang pakialamanan at pansinan?" Nakataas kilay kong sabi.

His eyebrows furrowed. " And who the hell say that?"

"Walang nagsabi pero nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid na katulad mo!"

He pursed his lips and narrowed his eyes. "Ihahatid na kita." Pinal niyang sabi. I scoff. "At bakit?"

"Stop asking questions."

"Stop being so demanding first." Sagot ko.

"Get in the car."

I crossed my arms and raised an eyebrow. "Paano kung ayoko? May magagawa ka? Hindi mo 'ko utusan kaya huwag kang umastang parang amo ko."

He clenched his jaw. "You're being a hard headed, again."

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon