Chapter 34

2.8K 67 0
                                    

*Sweetrhylle*

Dumating kami sa Villa kung saan gaganapin ang birthday party ni Bellona. Kasama ko rin si Mai. Sobrang laki din ng villa nila parang ang gandang tumira. Parang lahat na yata ng kailangan mo ay nandito.

Binati muna nami si Bellona at binigay sa kanya yung gift na napili namin sa kanya. Maraming chikahan muna ang nangyari dahil sa daldal ba naman ni Mai kahit saan nakakakita ng kakilala.

Mahigit isang oras din  bago kami nakaupo at nakakain. Maraming mga waiter ang umaasikaso sa mga bisita.

"Alam mo ba? Yung anak ni Governor nahuli dawng gumagamit ng pinagbabawal na gamot." Napukaw ang interes ko sa sinabi ni Mai. "Talaga? Kelan daw?"

"Kahapon lang. Iba na talaga ang mga taong laki sa luho minsan inaabuso na. Kaliwa't kanan nga ang natamong pambabatikos ng pamilya nila dahil diba naglilingkod sa publiko ang pamilya nila tapos ganyan pa." Tumango tango ako habang sumasang-ayon.

"Diba plataporma ni Gov na puksain ang mga adik na yan? Tapos anak pala dapat niya ang dapat puksain." Komento ko rin habang kumakain na dessert dito sa may gilid.

"Tumpak! Kung sino pa yung nasa pwesto. Tsk. Tsk. Iba na talaga ang mundo."

Sobrang dami ng tao dito sa venue kala mo may kasal kaya nandito lang kami sa gilid. Kanina pa ako sobrang busog at ganun din si Mai.

Nagkuwentuhan pa kami nang nagkuwentuhan dahil wala naman kaming ibang magawa dito. Pero hindi naman ako nagsising pumunta.

Nang mapatingin ako kay Mai ay tumatango tango siya dahil sa musikang pumapainlang.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.

What time will you go home?

Nagtipa ako ng reply,

Maya maya pa siguro.

I hit the send button at saka nilagay sa mesa ang cellphone.

Tumunog ulit yun kaya kinuha ko ang binuksan ang message.

Don't forget about our date, baby.

Napangiti ako sa nakalagay. I'm excited about it. Mamayang gabi pa naman yun.

I won't. See you there. ❤️🥰

Pinadala ko na iyun. Hindi na siya nagreply ulit matapos yun. Psh. Pinaalala lang pala. Akala niya naman makakalimutan ko na. Saglit lang naman kami doon sa party ni Bellona dahil umuwi din kami. May lakad pa ako mamaya. Tapos si Mai ay ewan ko kung saan pupunta.

"Bye, Pwend. Mag-ingat ka ah."

"Ikaw rin. Tawagan mo agad ako pag may problema."

"Sige."

Naghiwalay na kami ng landas ni Mai. Dumiretso ako ng mansyon para makapaghanda. Gusto kong magung bongga ang date namin ngayon.

Ipapakita ko sa kanya ang bagsik ng kamandag ko. Mwuahaha.

Nang sumapit ang alas 6 ay tapos na akong magbihis at maghanda. Ready to go na ako. Hinatid ako ng isa sa mga tauhan ni Soren. May bodyguard rin na nakasunod sakin. Mukhang tinotoo ngang auaw niya ng maulit pa ang pa ang nangyari sakin nung nakaraan. Hind na niya ako hinayaang lumalakad mag-isa.

Naiintindihan ko naman.

Nang marating namin ay lugar ay namamgha ako. Isa iyonh magarbong restawran. Victorian style ang pagkakagawa kaya mas lalong maganda ang buong lugar.

Nagpasalamat ako sa driver bago ako bumababa ng kotse. Pagkapasok ko sa loob ay doble ang pagkamangha ko. Hindi masyadong puno ang restawran pero marami din naman ang nandoon.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon