Chapter 20

3.7K 90 18
                                    

*Sweetrhylle*

Namula ako nang makitang wala siyang damit pang itaas. Hinubad niya iyun.

"B-Bakit ka naghuhubad?" Nauutal kong aniya at hindi makatingin ng deretso sa kanya.

Nakatayo ako sa kabilang side at nasa kabila naman siya.

Mas lalong uminit ang mukha ko nang tinawanan niya ako ng bahagya.

His laugh is so sexy. It turns me on. Charot!

"I'm not comfortable wearing a shirt when I'm in bed." Nakangisi niyang sabi at saka sumampa sa kama.

Pero nakadamit naman siya nung nakatulog siya dito sa bahay. I was the one na nagbihis sa kanya!

Yun nga lang tulog na siya nun.

"H-Huy, anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong at napalunok dahil sa view na nasa harap ko ngayon.

Mukhang kailangan ko ng balde para sa laway kong handang tumulo.

He flexed his hard chest and eight pack abs.

Nasisilaw ako sa nakikita ko. Mukhang sunod sunod ang mga pagkakasalang nagawa ko.

He has a tattoo on his waist na tingin ko'y hanggang likod yun. Hindi ko napansin nung nakaraan. I can't describe the tattoo well since it's not that big.

Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa ginawang pagtitig ko. Inosente akong nag tingin tingin sa bedside table ko.

Ang ganda at ang tigas pala ng napili kong alarm clock.

Ginawa niyang komportable ang posisyon sa kama.

"Nakahiga." Obvious niyang sagot. Napakagat ako ng labi. "That's not what I meant." Iniwas ko ang tingin. Ang sarap niya kasing tingnan.

Erase. Erase.

"You..You.. Should be sleeping in the couch. That's what gentleman do." I informed him stammering.

He smirk sardonically and then eyed me seriously. Napalunok ako sa paraan ng titig niya. "T-That's what I always read on books and in tv shows." I added at kiyemeng inilagay sa tenga ang takas kong buhok.

"I'm not a gentleman, Love. Don't expect me to do such thing. I would never. I'm no hero." He said coldly.

Napatahimik ako sa sinabi niya. Napayuko ako at tumango. Bakit ko naman sinabi yun?

Fictional characters are called Fictional because they didn't exist. They remain that way. They were just in our heads and imaginations. They're untrue.

I shouldn't compare him to my boyfriends in books and Oppa's on k drama.

Jacques Soren is real. Real definition of a drop dead handsome, that makes you drop your panty and then give it to him.

Nang mag-angat ako ng tingin ay maliit akong napangiti. Nasa may pinakagilid na siya ng kama at masyadong malaki ang space na ibinigay niya pa sakin. Isang kilos niya lang ay mahuhulog na siya.

"Stop smiling like an idiot." Komento niya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang mapangiti ng todo.

"Why..Why don't you let people see the good in you?" Mahina kong tanong at mataman siyang tinitigan.

He's always pretending to be a bad person when in fact he's not! He's not up to my standards yet he always exceeds my expectations.

He smirk darkly.

"When people see good, they expect good. And I don't wanna live in someone's expectation." He answered and then stared at the ceiling.

Muntik ko pa siyang yakapin dahil sa sinabi niya. Napakalalim niyang tao. It's as if palaging may pinagdadaanan.

Devil, Dark, and Dangerous [COMPLETED] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon