Hindi na kinaya ng mga mata ko na pigilan'g kumawala at magdausdusan ang mainit na likido. Naguunahan na makatakas mula sa aking malungkot na mga mata.
Alam ko kung ano itong nararamdaman ko. Alam ko na kung paano ito nagsimula. Alam ko na rin kung paano'ng unti unti itong lumalaki at palalim. Alam ko rin kung paano ito ipaparating sa kaniya pero hindi ko nagawa... at hindi ko na rin gagawin pa.
Sapat na yung mga naobserbahan ko sa loob ng klase, ang mga nakita ko outside the class at iyong kanina - nina lang na pangyayari.
Ngayon, aaminin ko muli sa sarili kong may gusto ako sa kaniya ---- sa isang propesora. I like her at nasasaktan ako. Hindi pa mandin ako nakakaamin, ipinakita na niya agad ang sagot sa dapat na sasabihin ko palang sa kaniya.
Nasa tamang pag-iisip pa naman ako nang pumuslit ang isang ideya sa isipan na dapat ko atang gawin. Ewan ko. Im not sure about this. Moving on?
Oo tama! Kailangan kong mag-move on.... kahit na gusto ko palang siya at wala ng hihigit pa riyan. I don't have any plans to court her, sa totoo lang.
It is surely against on my principle as a human being.
Sigurado akong hindi pa naman 'to malalim kaya naman madali lang itong mawaksi. Promise!
"HAHAHAHAHAHAHAHA" Malakas at bigay todo'ng tawa ang naisagot nitong mga kasama ko matapos kong ikwento sa kanila yung tungkol sa akin at sa plano kong magmove on.
Oo! Tinatawanan lang nila ako na para bang wala ng bukas kaya bigay todo sila sa paghalakhak. Parang mga gago lang. Kainis! Napanguso akong tiningnan sila. Lalong sumama ang timpla ng mukha ko nang tawanan nila ako ulit.
"Alam niyo? Para kayong mga gago diyan! Daming nakatingin oh!" Turo ko sa mga taong nakatingin sa amin ngayon sa loob bar dito sa Downtown.
Nasa Downtown kami ngayon. Dito ako dumirecho matapos ang nangyari kanina. Sinundan ako ni Akari hanggang dito at tinawagan naman niya yung iba pa para sumunod.
"Bakit ka mag-m-move on ulit?" Bweltang puno ng pang-aasar na kinatinigan ni Dale.
"Syempre para makalimutan at maalis yung pagkagusto ko sa kaniya! Ang bingi mo naman! Nakailang ulit na ako ah?" Ayan na naman sila at pinagtatawanan ako ng husto! Eh basta! Mag-m-move on ako, peste!
"Alam mo dakilang inhinyero, naiintindihan namin na gusto mo siya, yung professr mo na nuknukan ng sungit at ka-malditahan pero hindi mo naman kailangan umabot sa puntong pipilitin mong mag-move on o alisin yang feelings mo sa kaniya. Huwag kang OA idiot! HAHAHAHAHA" Lasing ngunit maayos na pagpapayo ni Kapitan at tsaka tinungga ang bote ng beer.
"And! Kusa naman yang mawawala at kusa rin yan lalago at lalalim kung darating sa point na i-c-consider niya yang nararamdaman mo. Anyway, drink your beer huwag kang madaya!" Dagdag na sabi pa nito at tumayo para sumayaw sa gitna kasama si Dale.
Nakarami na kami ng inom at alam kong may tama na ako pero kaya ko pa naman ang sarili ko, pero itong mga kasama ko? Lasing na at mukhang ng mga ewan lalo na si Dale at Akio.
I supposedly be the one na maging ganiyan ang estado pero mukhang naging baliktad at sila pa ang mukhang problemado sa love. Pero I am happy na nandito sila kasama ko despite of their busy schedules both studies and work related.
Nahihilo na ako and I feel numbness throughout my body. Medyo nahihirapan na akong huminga kaya inubos ko nalang itong isang beer at ikakalma na ang sarili.
"Putang ina naman Riley! Yuck! May cr naman don oh? Why----" Bigla akong napamulat sa maarteng boses ni Akari na hawak hawak ang upper body ni Riley na muntik na atang masubsob sa sobrang kalasingan. Patingin ko sa sahig... Oo nga! Putang ina nga talaga, Riley!
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomanceSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...