CHAPTER 22

85 5 5
                                    

Ilang linggo na akong hindi kinakausap o pinapansin ni Zhera simula noong muntikan nang may mangyari sa amin doon sa condo niya. Para ngang mas naging malamig at mailap ito. Nagtataka rin ako sa itinatro niya sa akin ngayon.

May nagawa ba akong mali ng gabing iyon? Did I violate something? Wala naman akong maalala na nakagawa ako ng ikagagalit niya o ikakaganito niya ngayon.

"Tawagan mo kaya ulit? Baka lowbatt lang siya--"

"Lowbatt? Really, Akio? Ilang araw ba bago mafull ang cellphone ng taong iyon?" It was Akari. She's mad at our professor dahil sa bigla nalang daw itong hindi ako kinikibo.

She even did not show herself to me...ilang linggo na rin...

"Nakausap mo na ba ang Ate mo tungkol sa bestfriend niya? Mag bestfriend sila right?" I nodded in response sa tanong ni Dale.

Magkakasama kami ngayon dito sa Downtown. We supposedly here to have fun but I can't because of her. Ilang linggo na akong nammroblema kung saan ko siya hahagilapin. Nagfile rin kasi ito ng leave sa university ayon kay Daddy.

"Wala ba siyang sinabi bago ka niya ihatid sa inyo nung araw na iyon?" Umiling ako at yumuko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano pa bang paraan ang hindi ko pa nagagawa.

Habang sila ay nagsasayaw doon sa gitna–ako naman ay nakaupo lang rito sa table namin habang pinapanood silang hunataw roon.

Pinipilit kong alisin sa isip ko ang girlfriend ko sandali—na hindi ko malaman kung nasaan.

Kailangan ko ng break at pahinga para makapagsimula ulit sa paghahanap sa kaniya. Kailangan kong ikalma ang utak ko. For now, let me enjoy this night.

Nagsalin ako ng alak sa baso ko at nilagyan ng ice cubes ito bago ko nilaklak. Napangiwi ako ng malasahan ang pait at paghagod ng isang mainit na likido sa aking lalamunan. Ang  pait!

Sandaling katahimikan ang namayani sa akin, hindi alintana ang ingay sa paligid dahil wala naman akong pakialam sa paligid ko. Napadilat ako ng maramdaman ang paglubog ng couch sa tabi ko–umupo pala si Akari.

Hindi rin ito mahilig makipagsocialize sa ibang tao lalo na kung nasa bar kami. Regular customer na kami rito at puro's pribado at kilalang tao ang nasa bar na ito kung nasaan kami ngayon.

"You should stop drinking now, you're drunk—you are wasted!" Pasigaw nitong sabi sa tapat ng tenga ko. Hindi kami magkakarinigan kung sa normal na paraan niya ito sasabihin. Ang lakas ba naman ng music dito sa bar eh.

"I know but I can manage." Pagtatapat ko. Seriously, I may look like wasted right now but I can still manage myself though.

"I can manage my ass! Ako na ang mag-uuwi sa iyo–"

"I don't want to go home yet..please bring me somewhere nalang, Ri." Lasing na sabi ko at natawa. Nagsalin ako ulit  ng alak sa baso para inumin ngunit marahas na kinuha naman niya ito. Kailangan kong mag-aliw kahit sandali lang, bukas ko nalang ulit siya hahanapin.

Where the hell are you, Zhera?!!

"Tama na iyan, tara na iuuwi nalang muna kita ron sa pad ko. Mukha ka ng kawawa talaga my friend! Nasstress ako sa itsura mo." Hindi ba siya lasing? Edi sana all!

Itinayo niya ako at dahan dahan kaming naglakad palabas ng bar hanggang sa marating namin ang kotse niya–siguro? Hindi ko na alam!

"Woi gago ka Akari—ang sakit!" Daing ko ng itulak niya ako paupo sa passenger seat ng sasakyan niya.

Ang hilig na niya sa haras tang ina! Kakasama niya yan kay Riley at Dale eh. Tch!

"I'll go back inside, magpapaalam lang ako kina Riley baka hanapin nalang tayo bigla eh." Hindi na ako sumagot dahil isinara naman niya agad ang pinto. Pumikit nalang ako dahil nahihilo na talaga ako. Kung sigurong hindi pa niya ako pinigilan sa pang huling shot ng alak ay baka bangenge na ako at nagtatawag na ng uwak dito sa gilid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Twenty Minutes Of SummerWhere stories live. Discover now