Minsan gusto ko nalang maging lamok at palipad lipad nalang matapos makasipsip ng dugo, eh. Sana all busog at satisfied..
Ang tanong ko bakit masakit ang puson ko gayong nakatayo na siya sa harap ko ngayon at may nakakalunod na tingin.
Hindi na ako magtatanong kung bakit iba ang damit ko dahil sigurado akong siya ang nagpalit n'on. Napatingin ako sa wall clock na narito sa kwarto niya nang makaramdam ako ng pagkulo sa loob ng tiyan ko. Oo na pala, nalipasan na ako ng breakfast at lunch. Anong oras na kasi akong nagising kung kaya't ayan nagugutom na ako.
Nahihiya akong magsabi sa kaniya at alam kong nakaistorbo na ako sa kaniya pero laking gulat ko nang hawakan niya ang kamay ko at ayain patayo sa kama niya.
"Let's eat na. I'm sure na gutom ka na." Sabi pa nito at hinatak ako palabas ng kwarto, nagpahatak nalang ako dahil nakakahiya naman kung tatanggi pa ako sa alok niya at magsisinungaling na busog pa ako.
Nang makarating sa dining area ay tumambad sa akin ang bagong lutong pagkain na nakahain sa glass round table niya. May rice, hotdogs, poached eggs, and beef bulalo na umuusok usok pa! Lalo tuloy akong nagutom.
Pero nakakainis pa rin talaga at masakit yung puson ko! Nabitin na may parang hinahanap akong hindi ko malaman kung ano. Kung bakit naman kasi nasa ibabaw ko siya tapos magtititigan kami ng ilang segundo tapos biglang tayo siya ng ganon ganon nalang!
Inakit niya lang akong panghimasukan siya pero binigo niya ako! Damn it! Hindi ko deserve yon guys, deserve kong siilin siya ng kiss, tapos yayakapin ko siya ganon. Napanguso nalang ako sa naisip ko.
Hindi ko maigalaw ang katawan nang dahil sa ginawa niya.
She kissed my lips, eh. I felt her lips landed on mine. Tama ako hindi ba? "What was that?" I unconsciously ask hindi kasi ako makapaniwala eh. I heard her chuckles because of my reaction, na para bang inaasahan na niya iyon.
King ina panindigan mo ako Ma'am!
"Kanina pa kita kinakausap but you didn't talk. You somehow lost for a moment kaya ginising lang kita." Kaswal na sabi nito, busy sa paglalagay ng plates, spoon and forks naming dalawa.
Nag-init bigla yung mukha ko dahil sa kahihiyan. Kung bakit naman kasi ang landi landi ko? I picked up myself from embarrassing moments like this at umaktong parang walang nangyari. Kagat labi akong naupo sa upuan nang ipaghila ako nito. Ang special ko naman! Special child. HAHAHA
Hindi na ako nagsalita pa at naghain nalang sa plate ko para makakain na. Gutom na rin talaga ako ng sobra. She also offered me a hot coffee pero tinanggihan ko dahil baka mamaya mangisay nalang ako rito sa condo niya dahil nasobrahan na ako sa kape. Nakaapat na cup ng kape na kasi ako kahapon kaya hinay hinay muna.
After namin kumain ay nag-offer ako na ang maghuhugas but she's mapilit at bossy kaya ending siya na ang naghugas. Akalain mo eh marunong pala siyang maghugas? Hanep! Sana all, ako kasi madulas pa raw ang plato sabi ni Manang at ni Mommy nung nagtry akong maghugas noon eh.
Wala akong magawa kaya nag cellphone nalang ako at nagbukas ng social media accounts ko. Pabukas ko ng Instagram ay ang daming missed calls and messages galing sa mga kaibigan ko at ang ilan ay kila Ate at Kuya ko. They're asking where I am last night.
Hindi ko binuksan ang mga chats nila dahil nababasa ko naman sa notification bar. Nagreply lang ako sa kapatid ko at baka pagalitan nila ako pag-uwi ko mamaya.
Ang bilis lumipas ng oras pero narito pa rin ako sa condo ng professor ko. Alas sais na nang gabi ay nandito pa rin ako. Hindi naman niya ako pinapauwi o ano kung kaya't nagstay nalang din ako rito maghapon. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang matulog dahil inaantok pa ako at masakit ang katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/310861229-288-k825716.jpg)
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomantizmSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...