"Engineer Elara!!!! Welcome back! Namiss kita Engineer!!!!" Masiglang sigaw ni Ashton mula sa itaas. Tiningala ko ito at malawak ang ngiti nito. Nakakatawa talaga ang isang ito!
"Hoy Ashton!! Aba! Aba! Ako? Hindi mo ako namiss? Engineer din naman ako?!" Nagtatampo kunwaring sabat ni Riley na nakatingala na rin. Loko talaga ang isang ito!
"Depende? Kuripot ka kasi eh kaya hetong si boss Veil ang paborito ko, unli ako diyan eh." Nakangising tugon nito habang bumababa sa scaffolding.
"Mag-ingat ka hoy! Puro ka bola diyan. Kapag ikaw nahulog ewan ko nalang, Ashton!" Natatawang suway ko rito.
"Ah ganon? Huwag kang sasama mamaya ah? Butasin ko gulong ng kotse mo eh!" Lakas talagang mang-asar ng isang to. Mamaya lang mag-aasaran na naman sila lalo. Tapos magkakapikunan lang sila bandang huli. Tsk.
"Tumigil na nga kayo diyan at tara na mag lunch na muna tayo. Gutom na ako eh." Aya ko sa kanila at gutom na talaga ako.
Dumating na din yung order ni Riley na pagkain para sa iba. May mga baon at budget naman ang tauhan nami, pero mapilit ang isang to kaya nagwawaldas. Porket bagong sahod eh.
"Hoy Ashton! Bigay mo na to don tapos dalian mo. At nauna na si Boss Elara mo do'n oh?" Rinig kong utos ni Riley kay Ashton. Favorite kong restaurant kasi kami maglunch ngayon. Nakalimutan kong magluto kaya sa labas kami kakain ngayon.
"Sunod nalang kayo ro'n ah? Ang tagal niyo eh!" Sabi ko at tsaka sumakay ng sasakyan. Alam naman nila roon kaya walang problema. Madalas din doon kami maglunch netong mga nakaraan.
Dalawang linggo at higit na rin kami ni Riley na hindi umuuwi sa kaniya kaniya naming bahay. Sayang sa gas kung pabalik balik kami. Mula Calamba, Laguna hanggang Manila, ang layo!
Almost three weeks ko na rin hindi nakikita ang pamilya ko pero alam naman nilang busy ako. Ang mga kaibigan ko naman ay busy din sa kanilang work. Si Akio may flight nang sunod sunod na araw. Si Akari naman ay nasa New York ngayon para sa photoshoot ng isang clothing brand for upcoming anniversary ng brand na iyon. While si Dale? Nasa province ng mother side niya. Nagbabakasyon ata. Kami naman ni Riley ay tinanggap yung one hectare project under Mr. Tan ulit.
"Goodafternoon Engineer!" The guard greeted me and smile flashed on my lips.
"Goodafternoon." Bati ko at dumirecho sa counter for my reservation. Marami rami rin ang tao dahil kilala ang resto na ito sa buong laguna. Kilala din kasi ang taong may-ari nito at ang nagdisenyo. Talaga nga namang nakakamanghang pagmasdan. Hindi nakakasawa!
"Goodafternoon Engineer! How may I help you?" Nakangiting bati ng staff.
"Reservation for three, under my name." I replied.
"This way po Engineer." At pinangunahan ang paglalakad hanggang sa marating ang table.
"Water ma'am?" Umiling ako dahil hindi tubig ang kailangan ko kundi pagkain.
Sakto naman ang dating nina Riley at Ashton kaya sinabihan ko na yung staff na i-serve na.
"Are you that hungry kaya iniwan mo kami ron?" Nagtataray na tanong ni Riley. Sumagot ako pero walang tawid na tingin dahil may hinahanap ako sa sling bag ko.
"Yeah. I didn't get a chance to eat my breakfast kanina eh. Nakalimutan kong magluto at the same time tinatamad din." Paliwanag ko naman rito at sakto naman na parating na ang order namin.
Agad akong kumain dahil gutom na gutom talaga ako. Habang itong dalawa eh panay ang daldal, hindi sila nauubusan ng kwento.
Nakikipagkwentuhan din naman ako pero mas nakatuon ang focus ko sa pagkain. Lutong pinoy ang inorder ko kasi nakakamiss naman talaga ang lasa eh. And for desert naman, nagcake lang ako at special ice-cream yung sa dalawa.
YOU ARE READING
Twenty Minutes Of Summer
RomanceSummer is the time when people enjoying the view and warm weather and relaxing their body and mind, pero iba ata ang naging dala sa akin ng summer. Kakaibang bersyon ata ng summer itong sa akin.... Started: May 2022 End: - - - - - © 2022 @dilawnabu...